Miguel Tanfelix explains closeness with Barbie Forteza

Although he admits having many crushes, on Barbie Forteza particularly, Miguel Tanfelix has more important things on his mind, "Nakita niyo naman, yung ibinibigay sa aming opportunity ng GMA, primetime shows po. Mahirap naman pong sayangin."


Pagkatapos magbida ni Miguel Tanfelix sa primetime series na Niño, may panibagong teleserye na namang ibinigay sa kanya ang GMA Network.

Ito ay ang Once Upon A Kiss kung saan sila pa rin ni Bianca Umali ang magkapareha.

Masasabing napakapalad ni Miguel dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

“Masaya dahil may bago pong project na naman and primetime na naman.

“Masaya po and exciting,” sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa huling taping day ng Marian.

Nakapag-pictorial na raw sila noong Lunes, December 1, at nag-first taping day na rin sila sa bagong teleserye na ididirek ni Joyce Bernal.

Sa Once Upon a Kiss ay magpapakilig na sila ni Bianca, malayo sa role niya noon sa Niño na mentally challenged.

Sabi ng 16-year-old actor, "Maiba naman.

"Pero kahit papaano, may challenge pa rin siya. Kung papaano mo papakiligin kumpara sa Niño dati.

“Pina-practice ko rin po ang pagsasalita ko dahil napapansin nga po na medyo may pagka-bulol nga raw po ako.

"Kaya practice, at yung relationship namin ni Bianca, mas pinagbubuti ko po."

Paano niya pina-practice na mahasa ang pagsasalita niya?

“Ginagawa ko lang pong aware ako sa pagsasalita ko.

"Hanggang sa masanay ka na po. Self-practice lang po," sagot niya.

BIANCA VS. BARBIE. Sa isang banda, masaya si Miguel na nagtutuloy-tuloy ang loveteam nila ni Bianca.

Pero mas okey ba sa kanya na sila ni Bianca ang pinagtatambal kaysa kay Barbie Forteza na nali-link sa kanya ngayon?

Sagot ni Miguel, “Sa akin, both.

"Kahit ano naman ang ibigay sa akin ng GMA, tatanggapin ko lang.”

Yung sa kanila ni Barbie, ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa?

“Kami po ni Barbie, una po kaming nagkasama sa Paroa.

"Doon pa lang po, parang naging close po kami.

"Hanggang ngayon, magkaibigan pa rin po kami ni Barbie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Niligawan niya ba si Barbie?

“Yun nga po, sa Paroa, naging sweet lang kami sa isa’t isa.

"Pero hanggang doon lang po. Crush lang po.

"Pero marami naman po akong crush.”

JULIAN AND BIANCA. May isyu rin sa ka-loveteam niyang si Bianca na nali-link naman kay Julian Trono. Naniniwala ba siya rito?

Ayon kay Miguel, “Ako po, kaibigan ko po si Bianca at kaibigan ko rin si Julian.

"Tuwing magkakasama kaming tatlo, nakikita ko naman na friends-friends kaming tatlo.”

Kung nagkataong walang Barbie, walang Julian na nali-link sa kanilang dalawa, may posibilidad ba na magkagustuhan o magka-debelopan talaga sila ni Bianca?

“Siguro po, sa ngayon, hanggang kaibigan lang.

"Nakita niyo naman, yung ibinibigay sa aming opportunity ng GMA, primetime shows po.

"Mahirap naman pong sayangin.

“Mag-focus muna kami sa pagiging magkaibigan at career namin.”



ALDEN RICHARDS WANNABE. Sa ngayon, si Alden Richards ang itinuturing na Kapuso Primetime Prince.

Nakikita ba ni Miguel ang kanyang sarili na mabigyan din ng ganoong titulo balang-araw?

“Yes po,” mabilis niyang sagot.

“Iniidolo ko po si Kuya Alden kaya sobrang sarap kung makakapunta po ako kung nasaan man siya ngayon.”

Nararamdaman ba niyang siya ang ginu-groom ng Kapuso network na susunod sa yapak ni Alden?

“Sana, sana po,” asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN