Chynna Ortaleza reacts to buzz on movie date with Kean Cipriano

Not that Chynna Ortaleza is embracing spinsterhood, she says, “Ako sa ngayon, ’Oh, God, kung gusto Mo talaga akong magkaroon ng asawa, ibigay Mo. Kung ayaw Mo, okey lang din.’ Anyway, masaya naman ako.”


Lumabas sa PEP Alerts kamakailan na “spotted” si Chynna Ortaleza at ang singer-actor na si Kean Cipriano na magkasamang nanood ng sine sa Robinsons Magnolia.

Inamin ng Kapuso actress na magkasama nga sila nanood ng sine, pero nilinaw niyang magkaibigan naman talaga sila.

“We watched movie, but it’s not like anything, guys, relax, masaya akong single!” natatawang sabi ni Chynna sa presscon ng #Y kahapon, December 3, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Sabi pa niya, “We saw a movie together, but it wasn’t a date.

"Kasi for me, when you date a person, you kinda like something’s going on.”

Sa kanilang dalawa ni Kean, walang “something?”

“We’re friends,” nakangiti niyang sagot.

IF EVER. Kung sakali, magugustuhan niya ba ang tipo o kalibre ni Kean o nakikitaan din ba niya ito ng interes sa kanya?

Ayon kay Chynna, “Para sa akin naman kasi, right now, sa stage ng buhay ko, ang gusto ko talaga, kaibigan.

"Kasi, natuto na ako sa dati kong relationship.

"If ever man na may ganyan in the future na magkakaroon ako ng bagong boyfriend, kailangan kong maging kaibigan [muna].

“Kaya nga at this point, marami akong kaibigan.”

Dagdag niya, “Open lang ang doors ko sa maraming tao.

"Hindi lang siya one particular person, marami akong taong nakakasama."



NOT YET. Sabi pa ni Chynna, dalawang taon na silang magkaibigan ni Kean. Posible bang lumalim ang pagkakaibigan nila?

“Hindi ko alam!” natatawang sagot niya.

Pero mas natawa ito sa tanong kung nagpaparamdam ba si Kean sa kanya.

Aniya, “Magkaibigan kami, magpaparamdam ng anitch?

"Basta ako, open lang ang doors ko sa mga tao at this point.

"At saka, mahirap lang sa akin mag-commit.

“Sorry ha, nahihirapan talaga ako sa idea ng commitment at this point.

"Naiintindihan niyo ‘yan kasi meron akong nine-year relationship na kinailangan mawala.

“Mahirap sa akin to jump into anything romantic or serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just here for good company nga ang friendship."

Kung magkakaroon siya ng susunod na relasyon, posibleng maikling panahon na lang ang commitment?

Saad ni Chynna, “Yung next relationship ko, ipinagdarasal ko.

"Umabot na ako sa ganoon. Hindi na ako bumabata.

“Ako sa ngayon, ’Oh, God, kung gusto Mo talaga akong magkaroon ng asawa, ibigay Mo. Kung ayaw Mo, okey lang din.’

"Anyway, masaya naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN