Arjo Atayde on doubters: "Kung hindi nila ako gusto o wala pa silang bilib sa akin, I just take it positively... I’m still learning."

Now that he’s slowly moving away from the shadow of his dramatic actress mom Sylvia Sanchez, Arjo Atayde is pushing himself more to excel as an actor.


Hanggang ngayon ay ninanamnam pa rin daw ni Arjo Atayde ang tropeyo na natanggap niya bilang Best Single Performance by An Actor sa nakaraang 2014 PMPC Star Awards for TV.

Ang award na ito ay mula sa mahusay niyang pagganap sa episode na "Dos Por Dos" ng Maalaala Mo Kaya.

Naka-tie niya sa kategoryang ito si Jose Manalo para naman sa Lenten drama special ng Eat Bulaga!

Ito ang pangatlong acting award niya sa nasabing award-giving body ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Una, bilang Best Male New TV Personality para sa episode "Bangka" ng Maalaala Mo Kaya noong 2012.

Ang pangalawa ay para naman sa afternoon teleserye na Dugong Buhay, kung saan itinanghal siya bilang Best Drama Supporting Actor noong 2013. Ka-tie naman niya rito si Arron Villaflor para sa Juan dela Cruz.

Ayon kay Arjo, "Ang sarap, very overwhelming ang pakiramdam kasi, ’di ko ini-expect na ganun ang kalalabasan.

"Yeah, it’s always for MMK, yung dalawang awards ko, kaya sobrang happy ako na alagang-alaga nila ako.

"Then, this coming Saturday [December 6], ipapalabas naman yung sa MMK ko uli, yung tungkol sa priest na na-in love sa isang madre.

"It’s another very challenging role, na nagtanung-tanong pa ako sa isang pari how I would deal with my character."

PRESSURED. Ramdam daw ni Arjo ang pressure bilang isang aktor dahil alam niyang mas minamatyagan siya ngayon ng publiko.

"I always do my best, whatever I give, yun na yun.

"At saka, hindi naman ako nagpapabaya sa sarili ko.

"Every time na binibigyan nila ako ng mabibigat na role like this, I do my own research work.

"Pressured, of course, pero hindi ko na iniisip yun.

"I just do whatever na kaya ko.

"I push my limits kasi I really want to be a good actor."

DOUBTERS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa Walk of Fame, kung saan tumanggap ng katangi-tanging pagkilala ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez, na ginanap sa Eastwood City, sa Libis, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga nagdududa sa kakayahan ni Arjo bilang isang alagad ng sining, hindi na lang daw niya ito pinapansin. Bahagi raw talaga ito ng showbiz.

Aniya, "Ako, I really don’t mind.

"Kung hindi nila ako gusto o wala pa silang bilib sa akin, I just take it positively.

"Basta ako, I give my one hundred percent sa trabaho ko.

"And there are those naman na gusto ako, so okay lang.

"Hindi naman lahat ay mapi-please natin, ’di ba?"

Dugtong pa niya, "I’m really competing with myself.

"I’m taking all the positive and negative comments, and I know, I’m still learning.

"I’m still in the process na marami pa akong gustong matutunan.

"One thing I’ve promised myself, I will never stop and won’t block myself from learning."

PROUD OF MOM. Dahil sa sunud-sunod niyang acting awards at magagandang proyekto sa Dos, unti-unti na nga raw siyang nahihiwalay sa image bilang "anak lang ni Sylvia Sanchez."

Si Sylvia ay kilala bilang isang mahusay na aktres, at mas lalo pang sumikat matapos nitong gampanan ang role ni Nanay Teresita sa katatapos pa lang na Be Careful With My Heart.

Saad ng Kapamilya actor, "I really don’t mind being called na Sylvia Sanchez’s son.

"I’m very proud of my mom, lalo na ngayon meron na siyang star sa Walk of Fame.

"Ako, I just stay cool, basta slowly, I’m trying to create a name for myself.

"Okey na ako dun sa paunti-unti lang, as long as sure ako sa kung ano ang gusto kong mangyari sa career ko.

"My mom is a big inspiration sa akin.

"Basta, hindi naman ako nag-i-expect ng malaki. If it’s given to me, then it’s a blessing na rin."

THE CHALLENGE. Ang malaking hamon nga raw sa kanya ngayon ay kung paano siya magiging box-office actor lalo na’t nagsisimula na siyang gumawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Arjo, "Actually, sinabi ko na nga, na hindi ako nag-i-expect na something big.

"Sa box-office, siyempre, we want na kumita ang movie natin.

"But then, blessing na sa akin na magustuhan siya ng tao.

"Ayaw ko rin namang i-pressure ang sarili ko dahil sa expectations sa akin ng ibang tao.

"If it’s for you, it’s for you.

"Darating at darating talaga yung time para sa iyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN