TV5 contract star Eula Caballero squashes rumored network transfer

Eula Caballero on rumor that she’s leaving TV5: "Sa ngayon, I’m really happy with TV5, na kung meron man akong naririnig na ganun [offer to switch networks], hindi ko pa ini-entertain."


Pinabulaanan ni Eula Caballero ang espekulasyong may balak siyang lumipat ng ibang TV network.

Ito ay matapos magkaroon ng ibang interpretasyon ang ilang entertainment press sa tila pagpapaalam ng Kapatid actress sa TV5 Christmas party, na ginanap sa Elements, Centris, Quezon City, kagabi, December 4.

“Ang dami nga pong ano, e...

"Ang ibig ko po sabihin, baka ito na ang last time na magkita tayo sa taong ito.

“Kaya sabi ko, ‘Baka ito na yung huling beses na magkita tayo sa taong ito. So, babati na rin ako ng Happy New Year.’

“Kasi baka ‘di na tayo magkita for new year, iisahin ko na po yung pagbati ko,” paglilinaw ni Eula.

Sa kabila ng kanyang pagtutol sa lumabas na isyu, inamin ni Eula na may mga taong lumalapit sa kanya at nagtatanong kung interesado siyang lumipat ng ibang istasyon.

Sabi niya, “I’m gonna be very, very honest naman talaga.

“Siguro it’s normal that you get offers or parang may ngasasabi na managers na, o ganito, ganyan.

“Pero sa ngayon, I’m really happy with TV5.

"Na kung meron man akong naririnig na ganun [offer to switch networks], hindi ko pa ine-entertain."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment reporters si Eula sa pocket presscon ng Wattpad Presents Just For A While, na ginanap sa TV5 Reliance Center ngayong araw, December 4.

Si Eula ay produkto ng TV5 talent search na Star Factor (2010) kung saan itinanghal siyang grand winner.

Mula noon ay tuluy-tuloy ang proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapatid network, kaya nananatili siyang solid Kapatid artist.

“Sa ngayon po, wala pa talaga [akong planong lumipat].

“Though meron talaga akong naririnig na, ‘Uy, Eula, ilang taon ka na sa TV5.’ ‘A, isang taon po.’ ‘O, ganito…’ ‘Ay, saka na po natin pag-usapan. Ok naman po ako sa TV5 masayang-masaya po ako sa TV5,’” kuwento ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ng 19-year-old actress, “’Tsaka dito, nabigyan talaga ako ng chance, nabigyan ako ng venue para makatrabaho sina Ms. Nora Aunor.

“Ang dami ko talagang nakatrabaho na pinangarap ko dati.

“Working with them, mas mahigit pa nga siya sa workshop, e.

"Kasi kapag kaeksena mo na sila, dun ka talaga mismo natuto from them."

Ganunpaman, bukas si Eula sa pagsasabing malaki ang paghanga niya sa Kapamilya actresses na sina Jodi Sta. Maria at Angel Locsin.

Pangarap daw ng Kapatid actress na maging versatile sa pag-arte katulad ng kanyang mga iniidolo.

Sabi ni Eula, “Yung parang ang galing na nila sa craft nila. Alam na nila baliin yung character nila.

“Every time na lalabas sila sa TV, o ibang Jodi na naman ‘to.

“From Maya [in Be Careful With My Heart], yung bago nila ngayon, Pangako Sa’Yo. So, parang ang galing na talaga nila. Iba yung atake.

“Hindi lang sa makeup, e. Iba talaga pati tayo, pati lakad. Iba talaga yung napapakita niyang tao.

“Yun ang goal ko bilang artista.

"Hindi kung kaya, nasa sipag naman din siguro. Siyempre learning from the masters,” saad ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN