Derek Ramsay clarifies money issue on settlement with Mary Christine Jolly

Derek Ramsay on being a father: “I’m so family-oriented. I take care of my nephews and my nieces and all that. I’ve been ready to be a father for years. I want kids. That’s why I’m really looking for that person who I can spend the rest of my life, so that I can start a bigger family.”


Nilinaw ni Derek Ramsay ang mga naglabasang espekulasyon hinggil sa pag-urong ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly sa mga kasong isinampa nito laban sa kanya.

May usap-usapan kasing pikit-matang sinunod daw ni Derek ang kagustuhan ni Mary na bigyan ito ng P48 million pesos o higit pa para iurong ang mga kaso nito laban sa aktor.

Ngunit ayon kay Derek, “In front of God as my witness, it’s not true. I did not bring that much money.

“Pero if I had that much money, I would definitely do it, so that I could be a father to my son.

“But it’s not just that simple, everything has to be put on paper.

"And there’s no truth I shed out forty, thirty, twenty million…"

Ibig sabihin, wala siyang inilabas na pera?

Tugon ni Derek, “Well, I brought out for my son. It’s something for the benefit of my son.”

Bakit nagdesisyon si Mary na iurong ang kaso at makipag-settle na lang sa kanya sa halip na makipaglaban sa korte?

Sagot ni Derek, “I don’t know… maybe the pressure got to her.

“Tatagal nang tatagal ito sa korte at walang mananalo kundi yung mga lawyers at yung mga ano, ‘di ba? Kawawa ang anak namin.”

Nagkaroon siya ng ganong realization?

“I mentioned numerous times in court that walang mananalo dito.”

Annulled na ba ang kasal nila?

Ayon sa Kapatid star, “That’s being fixed up. Everything is being sorted out… hindi pa siya naga-grant. Ibang kaso naman yun.”

Nagkakausap na ba sila ni Mary?

“On and off…”

Nagkakausap na sila ng kanyang anak?

“Yeah, yeah… we’re definitely moving forward but still a long way to go, you know.

“If he could spend more time with me, we could speed up the process.

“But the sad thing, that’s not the case. It’s always on and off.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang ginagawang adjustment o effort ni Derek para mapalapit sa anak niyang nawalay sa kanya ng matagal na panahon?

Tugon ng actor-TV host, “I’m not making any adjustment.

“I’m so family-oriented. I take care of my nephews and my nieces and all that.

“I’ve been ready to be a father for years. I want kids.

“That’s why I’m really looking for that person who I can spend the rest of my life, so that I can start a bigger family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN