Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding entourage revealed

Twenty pairs of principal sponsors, 19 groomsmen, 18 bridesmaids, and other participants at the grand wedding of Kapuso royal couple Dingdong Dantes and Marian Rivera have been revealed.


Inilabas na ng kampo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kumpletong listahan ng kanilang wedding entourage.

Dalawapu’t anim na araw mula ngayon, sa December 30, ay magaganap na ang pinakahihintay na kasalan ng Kapuso Primetime King and Queen sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Kagabi, December 3, ay ginanap ang bonggang despedida de soltera ni Marian sa Sampaguita Gardens.

Ngayong linggong ay sinimulan na ang pamamahagi ng wedding invitations sa lahat ng mga taong gusto nilang makita at makasama sa napakaespesyal na araw ng kanilang buhay.

Dalawampung pares ang napili nina Dingdong at Marian na Ninong at Ninang o Principal Sponsors na gagabay sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Base sa listahan na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), karamihan ay mga naging malapit na kasamahan nila sa industriya, habang ang iba ay mga kamag-anak nina Dingdong at Marian.

PRINCIPAL SPONSORS. Kabilang sa mga Ninong ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, ang manager ni Marian na si Antonio P. Tuviera, ang comedian-TV host na si Vic Sotto, ang singer-comedian na si Ogie Alcasid, ang starbuilder na si German Moreno, ang film producer na si Wilson Tieng, ang Bench owner na si Ben Chan, ang fashion designer na si Randy Ortiz, ang mga direktor na sina Mak Reyes at Mac Alejandre, at ang GMA big bosses na sina Felipe L. Gozon at Gilberto Duavit Jr.

Gayundin sina Jose Francisco Gonzalez, Zaldy Rivera, Dr. Gary Lopez, Joel Rustia, Marlon Dantes, RADM Herby F. Escutin (PCG Ret.), Monchito Dantes, at Jose Eduardo Gonzalez.

Kabilang naman sa mga napiling Ninang nina Dingdong at Marian ay sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, Queen of All Media Kristina Bernadette “Kris” Aquino, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, veteran actresses Celia Rodriguez and Helen Gamboa-Sotto, film producer Lily Monteverde, GMA executive Lilybeth Rasonable, network executive Wilma Galvante, director Joyce Bernal, cosmetic surgeon Dra. Victoria “Vicki” Belo, and TV host-talent manager Lolita Solis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan pa sa malalapit sa Kapuso Primetime King & Queen na napili nilang tumayong mga Ninang ay sina Ma. Luisa Henson, Juliet Lanuza, Ma. Margarita Gonzalez, Maria Joycelyn Rustia, Dra. Ma. Theresa Lopez, Floresfida Gonzalez, Myrna Dominguez, at Laila Rivera.

Hindi man kasama sa hanay ng principal sponsors o groomsmen si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, may espesyal na papel naman si PNoy bilang “Witness of Honor.”

Tatlo ang tatayong Maids of Honor ni Marian at tatlo rin ang Best Men ni Dingdong.

Ang non-showbiz best friend ni Marian na si Joy Gonzalez at mga matatalik na kaibigan sa showbiz na sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo ang Maids of Honor ng Kapuso actress.

Ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Dingdong na si Jose Angelo Dantes at ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Paul Harvey Camposano at Mario Vincent Lanuza ang Best Men.

SECONDARY SPONSORS. Secondary Sponsors naman ang mag-asawang Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez na siyang magsisindi ng kandila; Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV at Maria Kristina “KC” Concepcion na magtatali ng cord; at sina Gabriel John “Gabby” Eigenmann at Martina Eileen “Ai-Aid delas Alas na maglalagay ng veil.

Karamihan ng groomsmen ay mga pinsan, kaibigan, in-laws, at kaibigan ni Dingdong sa loob at labas ng showbiz ‘tulad nina Paolo Contis, Carlo Gonzalez, at Arthur Solinap.

Gayundin sina Jonathan Aurelio, Jean Phillip Quema na mga bayaw ni Dingdong.

Ang iba pa ay sina Joseph Aguilar, Edgar Dantes Jr., Congressman Dakila Carlo Cua, Jose Dino Gonzalez, Jose Paulo Gonzalez, Jose Marco Gonzalez, Casey Miller, Jay Wambangco, Ricky Chua, Loujude Gonzalez, Jose Emmanuel Gonzalez, Andre Rafael Gonzalez, Norman Balbuena, at Congressman Irwin Tieng.

Kung 19 ang groomsmen ni Dingdong, 18 naman ang napiling bridesmaids ni Marian.

Kabilang dito ang showbiz personalities na sina Agot Isidro, Luane Dy, Rochelle Pangilinan, Bettina Carlos, at si Bianca Gonzalez na ikinasal ngayong araw, December 4, sa basketball player na si JC Intal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pa ay ang stylists na sina Pam Quiñones at Liz Uy, Ma. Angela Aurelio, Ana Marie Reyes, Maria Eliza Uson, Carolyn Galve, Ma. Cristina Quema, Mary Jill Roxas, Joan Banaag, Catherine Magno, Ma. Victoria Dantes, Arishella Quilatan, at Celeste Tuviera.

Pinangungunahan naman ng child superstar na si Ryzza Mae Dizon ang Flower Girls.

Kabilang din sina Julia Catherine Quema, Ehlla Antonio, Amanda Lucia Carlos (anak ni Bettina Carlos), Katrence Lawrence Cadevida (anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence), Dominique Marie Cua, Susana May Quilatan, at Amilia Janis Visaya.

Anim na batang lalaki naman ang magdadala ng crucifix, kabilang ang anak nina Ogie at Regine na si Nathaniel James Alcasid; pati na sina Vince David Manalo, Jose Eduardo Goduco, John Dexter Dantes Jr., Rafael Andres Rivera, at Nathan Dominic Mamon.

Ang pamangkin ni Dingdong na si Jean Tyler Quema ang ring bearer, si Edwin Arash Dantes ang coin bearer, at si Arvin John Dominguez ang Bible bearer.

Sina Jed Matthew Banaag at Dean Riley Paras ang rosary bearers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN