Bianca Gonzalez marries JC Intal in a private ceremony in Palawan

Bianca Gonzalez and JC Intal tie the knot in a private wedding ceremony at the Lagen Island Resort in El Nido, Palawan.


Ikinasal na ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez sa PBA player na si JC Intal.

Naganap ang private wedding ceremony sa Lagen Island Resort, El Nido, Palawan, ngayong araw, December 4.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mga pamilya nina Bianca at JC; at mga malalapit na kaibigan, kabilang na ang TV personality na si Cheska Garcia-Kramer at asawa nitong PBA player din na si Doug Kramer.

Noon pa man ay paulit-ulit nang sinabi ni Bianca na gusto niyang maging pribado ang kanyang kasal.

Sa huling pinayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng Cinema One host, "It’s the ceremony that we’re really not talking about, kasi ’yon ang family only and very private."

Read: Bianca Gonzalez enjoys wedding preparation, except for the expenses: "Ang gastos!"

Unang wedding ceremony lang kaya ito para kina Bianca at JC?

Base kasi sa nakaraang interbyu kay Bianca, sinabi niyang sa December 10 gaganapin ang kanilang kasal sa Metro Manila.

Read: Bianca Gonzalez reveals details of her wedding this December

Nabanggit din niyang magiging malaki ang reception ng kanilang kasal dahil “we have so many ABS-CBN friends din, like, 30 percent or 40 percent are from the industry.”

Sa Smart-Araneta Coliseum, sa may Cubao, Quezon City, gaganapin ang reception ng kasal nina Bianca at JC.

Kabilang sa principal sponsors ng kanilang kasal ay ang Aquino & Abunda hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino, at Pinoy Big Brother director na si Lauren Dyogi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN