Kris Tiffany Janson finishes 2nd runner-up in Miss Intercontinental 2014

Miss Intercontinental 2014 winners: (L-R) Kris Tiffany Janson, Philippines, 2nd runner-up; Patraporn Wang, Thailand, Miss Intercontinental; Jeslie Margal, Cuba, 1st runner-up.


Second runner-up sa 43rd Miss Intercontinental si Kris Tiffany Janson ng Pilipinas sa pageant night na ginanap ngayong madaling-araw, December 5 (Thursday night sa Germany), sa Maritim Hotel, Madgeburg, Germany.

Nakuha rin ni Janson ang special award na Miss Photogenic, at tie sila ni Miss Thailand Patraporn Wang sa beauty title na Miss Asia and Oceania.

Si Wang ang hinirang na Miss Intercontinental 2014 at first runner-up si Jeslie Margal ng Cuba.

Seventy-two contestants mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang naglaban para sa crown and title ng Miss Intercontinental 2014.

Ipinasa kay Miss Thailand ang korona ni Miss Intercontinental 2013 Ekaterina Plekhova ng Russia.

Para sa special awards, nasungkit ni Miss South Africa ang Best Body Award at Best in Swimsuit. Best in Evening Gown naman si Miss Puerto Rico.

Pagkatapos ng swimsuit competition, tinawag ang Top 15 finalists.

Nakapasok ang mga kandidata mula Cuba, Puerto Rico, Canada, Argentina, Ecuador, Brazil, Philippines, Thailand, Myanmar, Mauritius, South Africa, Nigeria, Poland, Turkey, England, at Portugal.

Sumunod namang tinawag ang Top 6 na sina Cuba, Argentina, Portugal, Philippines, South Africa, at Thailand.

Naging Top 6 sa halip na Top 5 ang pinili ngayong taon dahil nag-tie ang scores nina Miss Philippines at Miss Thailand sa pagpili ng semi-finalists.

Kaya naman sa Continental Queens awards ay tie sina Miss Philippines at Miss Thailand.

Si Cuba ang Miss Intercontinental North America, Miss Intercontinental Africa si Miss South Africa, Miss Intercontinental Asia & Oceana sina Miss Philippines at Miss Thailand, Miss Intercontinental South America si Miss Argentina, at Miss Intercontinental Europe si Miss Portugal.

Bago sumabak si Janson sa mga beauty contest, nagtatrabaho ang 24 year-old beauty queen mula sa Cebu bilang financial analyst sa isang packaging company.

Ang Miss Intercontinental ang itinuturing na united nations ng glamour at beauty na nag-umpisa noong 1971 bilang teen pageant sa Aruba.

Naging annual event ang Miss Intercontinental dahil sa mataas na television ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN