Manny Pacquiao allots P295 million for construction of worship center in General Santos City

Manny Pacquiao on his Forbes Park mansion: “Wala naman nagrereklamo. Nahihiya lang ako. Ako na mismo nahihiya dahil siyempre marami akong mga bisita. So, kung may bibili walang problema. Pero kung walang bibili, diyan lang ‘yan.”


Dinagsa ng mga kaibigan sa showbiz at pulitika ang victory party para kay Manny Pacquiao na ini-host ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na ginanap sa kanyang tahanan sa Corinthian Gardens noong Miyerkules ng gabi, December 3.

Magkasama sa isang table sina Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Joseph Estrada katabi ni Singson.

Matatandaang nanalo si Manny sa laban nila ni Chris Algieri noong November 23 sa Macau.

Doon ibinahagi ni Manny sa media na tuluy-tuloy raw ang pagpapagawa niya ng malaking simbahan sa General Santos City para doon idadaos ang mga prayer service niya.

Naglaan daw siya ng P295 million para sa simbahang ito na tinawag niyang Worship Center.

Maglalagay raw siya roon ng Bible school para sa mga gustong mag-aral ng salita ng Diyos.

Sabi ng Pambansang Kamao, “Malaki-laki rin ito.

“Kailangan ng magandang worship center para when you worship to the Lord, maka-focus talaga sa Kanya.”

Pursigido siya sa isa sa debosyon niyang maipalaganap ang mga salita ng Diyos.

Isa nga raw sa nais niya ngayong Pasko ay maipamahagi ang pagmamahal sa lahat, at huwag daw sana magkawatak-watak at magtanim ng galit sa kapwa.

Aniya, “The Bible says God is love.

“If we have love, we have God.

“Kung may galit tayo sa kapwa natin, hindi tayo nagkakaisa.”

Patuloy pa niya, “I think it’s time to be united as one nation, because all of us, we believe that there is God.

“So, God is love, so we must have love for each other, ‘di ba?”

Marami raw siyang balak na gawin sa mga constituent niya sa Saranggani ngayong Pasko.



FORBES PARK MANSION. Samantala, nilinaw na rin ng Pambansang Kamao ang tungkol sa balak daw niyang pagbenta ng bahay niya sa Forbes Park, Makati City.

Wala naman daw siyang balak na ibenta ito pero kung may interesado raw na bumili, okay lang daw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napabalita kasing naguguluhan na raw ang mga kapitbahay niya at ibang residente sa naturang village, dahil sa dami raw ng mga taong pumupunta sa kanila.

Sabi ni Manny, “Wala naman nagrereklamo.

“Nahihiya lang ako. Ako na mismo nahihiya dahil siyempre marami akong mga bisita.

"So, kung may bibili walang problema. Pero kung walang bibili, diyan lang ‘yan.”

Gusto na ring iparating ni Manny na humihingi siya ng paumanhin sa mga kapitbahay niya sa Forbes Park.

“Humihingi ako ng paumanhin sa mga naistorbo.

“Ganun kasi talaga ako, e. Hindi ko naman puwedeng talikuran kung anong pinagmulan ko,” pahayag ng Pambansang Kamao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN