Ryan Eigenmann says bashers misunderstand brother Geoff’s Instagram posts

Ryan Eigenmann on working with Carla Abellana, ex-girlfriend of Geoff Eigenmann: "I’m at peace with everyone! Work’s work."


Wala raw problema kay Ryan Eigenmann kung makakatrabaho niyang muli si Carla Abellana, ang dating girlfriend ng kapatid niyang si Geoff Eigenmann.

Sabi niya, “Ako, I’m just like the United Nations, I’m at peace with everyone!”

In fact, “I’ve worked with her, yung Magpakailanman.

"After they broke up, we did Magpakailanman.”

May awkwardness ba habang nagtatrabaho sila?

“It was a job for me, it was like another day at the office.

“Professional lang, professional lang.

"Work’s work, ito yung trabaho ko, e.

"Kung hindi ako magtatrabaho ’di hindi ako kikita.”

Ang latest na trabaho ni Ryan ay bilang si Vincent sa Mulat, ang pelikula kung saan nanalo ang star nitong si Jake Cuenca ng Best Actor award sa International Film Festival Manhattan sa New York City.

Ang writer at direktor ng Mulat na si Maria Diane Ventura naman ang nag-uwi ng Best Director Global trophy mula sa filmfest.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa presscon ng Mulat, kahapon, December 4.

Finalist ang pelikulang ito, na iprinodyus ni Day Herrera Cabuhat, sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival 2014.

BROTHERLY ADVICE. Sa presscon ay natanong si Ryan ng update tungkol kay Geoff.

Sabi ng eldest son nina Michael de Mesa at Gina Alajar, “For now, he’s enjoying being single.

"Kung wala sa bahay ko, nasa gym."

Naging masalimuot at nabalutan ng mga isyu ang breakup nina Geoff at Carla. May words of wisdom ba siya para sa kapatid.

Ayon kay Ryan, “Si Geoff, we’ve always had a close relationship.

"Pero when it comes to things like this, I know he can handle them himself.

"’Pag kailangan niya ng advice ko, he’d come up to me and talk to me.

“I’m not the type naman to say, ‘Halika nga dito, umupo ka dito at mag-usap tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako ganun, e. I know he can handle it.

"If he needs my help, he’ll ask for it and I’ll be more than willing to help him.”

May pagkakataon bang lumapit sa kanya si Geoff para humingi ng payo o tulong?

“There were moments na umupo siya at siya yung nag-ano na, ‘Mag-usap tayo.’ Nag-usap naman kami.”

Ano ang mga sinabi niya sa kapatid?

Sagot ni Ryan, “Wala, just kuya advice. Nothing really specific.

"Just, ’di ba, being the older brother and doing the right thing.”

MISUNDERSTOOD. Nakita ba ni Ryan na devastated o depressed si Geoff after his breakup with Carla?

“He was never a showy person. Basta kung ano lang.

"Kung ano yung nakikita sa Instagram, ganun ang ginagawa niya.

“Kung ’di kami kumakain, kung hindi kami magkakasama, kaming magpipinsan, nandun siya sa gym. That’s it!”

Napapansin ba niyang inilalabas na lang ni Geoff ang nararamdaman nito sa pamamagitan ng Instagram? Sinisita ba nila si Geoff tungkol dito?

Sabi ni Ryan, “Hindi! Alam niya ang ginagawa niya. Wala yun.

“It’s always been, I don’t wanna ano naman… I guess yung mga posts na nilalagay niya are just misunderstood.

"Kasi malawak naman ang buhay ng kapatid ko, e.

“Hindi naman isang factor lang, e, ’di ba?

"So, yung mga pinu-post niya, it affects many aspects of his life.

"And if his bashers and haters misunderstand it, he’s not responsible for what they think.

“He’s only responsible for what he says.”

CARLA ABELLANA. Ano ang nararamdaman niya ngayon kay Carla?

“It looks like she’s doing good with her work, good for her,” sabi ni Ryan.

Halos muntik nang naging parte ng pamilya nila si Carla noong magkarelasyon pa silang dalawa ni Geoff. Pero ngayon?

“I guess it would all depend on how their relationship would bloom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If they decide to be friends one day, e, di magiging friends sila.

“As of now, I guess Geoff mentioned before na malabong mangyari yun in the near future.

"So, I guess it depends on them, kung magiging magkaibigan sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN