Kean Cipriano mesmerized by Jennylyn Mercado: "I swear to God, she’s one of the most beautiful faces I’ve seen in this industry!"

Band leader, singer and music video director, Kean Cipriano has added acting to his list of credentials beginning with Babae sa Septic Tank in 2011. Since then, he has done a number of movies, including Praybet Benjamin 1, Hindi Sila Tatanda, and Tumbang Preso.


Aminado ang Callalily band leader na si Kean Cipriano na natulala siya sa ganda ni Jennylyn Mercado sa pelikula nilang English Only, Please.

Komento niya, “Of course! I swear to God, she’s one of the most beautiful faces I’ve seen in this industry.

“Nung nagpi-preview, sinasabi ko, ’Jennylyn, ang ganda mo!’

“Maganda talaga si Jennylyn ever since, but seeing her personally, meeting her, talking to her, sharing [a scene] with her in bed…

“Of course, I was mesmerized and I still am."

Hindi ba siya nagkaroon ng malisya kay Jennylyn?

“Malisya is not the word, but there’s this small thing called infatuation, maybe.

“She’s so beautiful. You can’t blame me.

"Kahit sinong lalaki diyan ang tanungin mo, sasabihin nila the same thing.

"Na ang ganda-ganda ni Jennylyn.”

Yung infatuation ba ni Kean kay Jennylyn ay nadadala niya sa bahay, na ’pag naiisip niya ang Kapuso star ay natitigilan siya?

“What do you mean?” sabay halakhak ni Kean na parang may ibang naiisip sa tanong namin.

“Well, not very… grabe namang ganda nito ni Jennylyn, ang ganda nitong babaeng ito. Paanong ginawa ’yan? Alam mo yun?

“But siyempre, it crossed my mind, yung imagination.

"What if she’s the person I can be with?

"Hanggang imagination lang.”

NO MALICE. Cuddly lang daw naman ang bed scene nila ni Jennylyn sa pelikula, nanghinayang ba siya na hindi sila nagkaroon ng kissing scene?

Tugon niya, “Oo nga, ’no? Bakit nga wala? Just kidding!

“Pero lahat ng scenes na ginawa namin sa motel… motel buddies kami, e, parang ganun.

“Siyempre, may pakiramdam ’yan na ganyan, may body warmth.

"So, mapi-feel mo yun, but the thing is, yung character ko doon, ako yung medyo aloof sa kanya.

"It’s more like feeling it and at the same time, rejecting it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung eksena namin na parang hindi ko siya pinapansin.

"Kaya yung sinasabing malisya, hindi talaga siya mararamdaman dahil maraming tao.

“But she’s just so sexy. Not in a malicious way, sexy talaga si Jennylyn.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa presscon ng English Only, Please, last Monday, December 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN