Geoff Eigenmann not offended by ex-girlfriend Carla Abellana’s statement about him

Geoff Eigenman on statements made by ex-girlfriend Carla Abellana about their breakup: “I think, whatever she said reflects more on her than on me. So, I’ve always been quiet. Whatever she said, wala kayong narinig sa akin.”


Aminado ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann na may naging pagkukulang o pagkakamali rin siya kung kaya’t nauwi sa breakup ang relasyon nila ng aktres na si Carla Abellana.

Pahayag niya, “Alam ko naman na may mga pagkakamali rin ako. Hindi ko naman inaako na one-sided.

“Alam ko na may pagkakamali rin ako but I don’t think… things weren’t supposed to be that way.

“For me, lahat naman ng bagay, puwedeng pag-usapan nang maayos.

“Yun lang, all these times, I kept quiet about things.

“Now, nagsasalita ako, wala na. It’s all in the past.

“I’ve moved on and hindi na siya problema sa akin. It was never a burden on me, actually.”

April 2014 nang aminin ni Carla, sa panayam sa kanya ng StarTalk, na hiwalay na sila ni Geoff pagkatapos ng apat na taong relasyon bilang magkasintahan.

Read: Carla Abellana admits breakup with Geoff Eigenmann

Nataon namang sunud-sunod ang mga proyekto ni Carla pagkatapos nito kaya hindi maiwasang mausisa siya ng media tungkol sa breakup nila ni Geoff sa mga press conference na kanyang dinadaluhan.

Sa kabilang banda, nanatiling tahimik si Geoff at kung ma-interview man ng press ay tikom ang bibig sa pagsasalita ng anuman tungkol kay Carla.

Ngunit sa Christmas party for the editors and select members of the press ng PPL Entertainment Inc.—na siyang nangangalaga sa career ni Geoff—ay naging bukas na ang 29-year-old actor sa paglalahad ng kanyang saloobin sa pagwawakas ng relasyon nila ni Carla.

Ginanap ang Christmas party, na dinaluhan din ng halos lahat ng PPL talents, sa Cities Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, Huwebes ng gabi, December 4.


BREAKING HIS SILENCE. Tinanong ng press si Geoff kung bakit tila hindi maganda ang lumalabas na balita kaugnay ng breakup nila ni Carla.

Tugon niya, “I never said anything about anyone or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung anuman ang naririnig niyo, kanila na yun, hands-off ako dun.

“I can only be liable for what I say about myself and all that.

“So, I guess, I’m the wrong person to ask on why things unfolded that way.”

Ngunit sa kabila ng pananahimik niya ay marami pa ring bumabatikos sa kanya sa social media.

Ano ang reaksiyon ni Geoff dito? Naaapektuhan din ba siya ng bashers o haters?

Natatawang sabi niya, “Kung susundan niyo naman ang Instagram ko, kupal ako, e!

“Minsan may mga pinapatulan ako. Pinapatulan ko sila, e.”

Patuloy niya, “Mali, pero that’s the way I can defend myself.

“Kasi, okey lang naman kung tirahin mo ko about that, pero minsan, sumusobra na.

“Hindi naman sa naapektuhan, pero minsan kasi, umaabot na sa family, merong mga ganun, e.

“Umaabot sa trabaho, career-wise.

“Hindi naman totoo, may masabi lang sila.

“And these are people behind Instagram na hindi naman totoong account.

“Kung sinumang binabayaran lang sila to do that. It’s probably one person to say the same thing.

“Problema nila yun.

“Basta ako, I enjoyed for a while na pinatulan ko sila, but wala, tapos na yun.”


NOT OFFENDED. Inusisa naman ng PEP kay Geoff ang reaksiyon niya sa isang panayam kay Carla kung saan tila inihalintulad siya ng ex-girlfriend sa “demonyo.”

Tinanong kasi si Carla tungkol sa pagpapatawad at sagot ng aktres tungkol dito: “Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”

Read: Carla Abellana on forgiving ex-boyfriend Geoff Eigemmann: "Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?"

Natawang reaksiyon dito ni Geoff, “I think, whatever she said reflects more on her than on me.

“So, I’ve always been quiet.

“Whatever she said, wala kayong narinig sa akin.”

Dagdag ng aktor, “Ako, I wasn’t really offended with her comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She can say whatever she wants.

“Kung sa tingin niya ganun ako, then… she was with me for four years.”

Maraming naglabasang isyu at nabalitang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa lahat ng lumabas, ilang porsiyento ang puwede niyang sabihing totoo at hindi?

Ayon kay Geoff, “Ewan ko, kasi sa dami ng lumalabas na dahilan, hindi ko na alam.

“I know what I believe in. I know the truth…

“Ako, at peace ako.

“Wala akong itinatago, wala akong binu-bullshit, everything’s out there, that’s it.”

Diretsahan ding tinanong si Geoff kung pakiramdam niya ay “nagamit” siya noong pinag-uusapan ang isyu kaugnay ng breakup nila ni Carla.

Kaswal niyang sagot, “Well, no bullshit, totoo naman, e. Ginamit naman talaga… I don’t really care.

“Ang sa akin lang kasi, I’m paid to do my job and I don’t talk about my personal life and, for me, that’s private.

“And she decided to go the other way, so, yun na ‘yon.”

Paano kung may magsabi sa kanyang bakit ngayon ay nagsasalita na siya?

“It’s because everybody wants to hear my side, yun lang naman yun.

“There, I talk now, and this is probably the only time I’ll talk about it.

“I guess, tama lang, promo, e!” natawang sabi niya.

KYLIE PADILLA. Isa sa pangalang nadawit sa breakup nina Geoff at Carla ay si Kylie Padilla.

Nagkasama sina Geoff at Kylie sa dating telefantasya ng GMA na Adarna.

May naging pahayag noon si Kylie na alam nito ang totoong kuwento sa likod ng breakup nina Geoff at Carla, pero hindi niya sasabihin.

Sabi naman ni Geoff tungkol dito, “Well, marami kasing kumplikasyon noong panahon na ‘yan.

“People talking, sama-sama ang mga pangalan and all that, other names that get into the picture.

“I guess, yeah… magkatrabaho kami before and during those times that it was happening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, kung may pinaniniwalaan siya, yun ang pinaniniwalaan niya.”

Wala nga ba talagang kinalaman si Kylie sa breakup nila noon ni Carla?

Mabilis na sagot ni Geoff, “Kung nandoon man siya, I think we’ll be together now, but we’re not.”


NO REGRETS. Sa apat na taong naging magkarelasyon sila ni Carla, wala naman daw pinagsisihan si Geoff.

“Ako kasi, I never had any regret.

“Kung anuman ang nangyari noon, it’s all memories, we all had good times.

“Unfortunately, it has to go the way it is.”

Handa na ba siyang ma-in love muli?

Sagot ni Geoff, “I don’t look for it.

“If it comes my way, it comes my way.

“Kung nandoon siya, kung gusto niyang sumama sa akin sa mga pinaggagawa ko ngayon, sumama siya.”

Natawa naman si Geoff nang sabihin na ang mga ginagawa niya ngayon ay sports activities, ‘tulad ng jiu jitsu. Sumasali rin daw siya sa mga competition.”

Mas masaya siya ngayon?

“Yeah, yeah, much better,” nakangiti niyang sagot.

Ipinarating namin kay Geoff ang naging pahayag ng ina niyang si Gina Alajar na mas gusto nito ang nakikita sa anak ngayon.

Saan kaya nanggaling yun?

Saad ni Geoff, “Well, I guess, freedom.

“Yun nga, I guess, wala akong iniisip.

“All I need to think about it me. Wala akong ibang problema.

“I don’t care about other people say. I just think about me.

“Ako, masaya ako at mga taong kasama ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN