Jaya gets her Walk of Fame star, "O, ’di ba? Bongga!"

Jaya recalls the pain of losing her baby in her womb and consoles herself with the thought, "... naiintindihan ko na kung ano’ng meron kami, kung ano ang nawala. Definitely, kung may nawala, may ipapalit naman ang Diyos."


Isa ang singer na si Jaya sa mga binigyan ni German "Kuya Germs" Moreno ng katangi-tanging "Star" sa ika-9th year ng Walk of Fame Philippines sa EastWood City sa Libis, Quezon City noong December 1.

Hindi masidlan ang katuwaan ng tinaguriang "Queen of Soul" sa karangalang ito.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na halos mapasigaw, "Hindi ako sanay!

"Sanay lang ako na nandiyan at nabibigyan ng atensiyon, pero iba itong star na ito sa EastWood."

Dahil nga ang Walk of Fame ay masasabing local counterpart ng Walk of Fame sa Hollywood, bulalas pa niya, "O, ’di ba? Bongga!"

Sabay paumanhin, "Puwede muna ako magpa-selfie?

"Selfie mode ako ngayon. Taray, ’di ba?

"Lalo na ngayon na I have my husband and our children, Sabri and Dylan, with me.

"It makes it more special sa akin."

INSPIRATION. Bukod sa malaking karangalan raw para kay Jaya, natutuwa rin siya dahil inspiring daw ang magkaroon ng sariling star sa Walk of Fame.

Sabi niya, "I hope that yung mga baguhang nandiyan ngayon will be inspired to do their best.

"Kasi talagang mabibiyayaan naman ’yan, lahat ng hard work.

"’Tulad nga nitong biyaya na tinatanggap ko ngayon because of my hard work.

"And I’m still learning a lot."

Dagdag pa ni Jaya, "Para sa mga artist na binibigyan nito, sa tingin ko, sila yung mga may nai-contribute sa ating industry, sa entertainment at sa iba pang field.

"Kaya nga dun sa mga nagsisimula pa lamang, just wait for your turn.

"May kanya-kanya naman tayong time and privilege na ganito.

"Ako, ’di ko ito ini-expect."

SUPPORT. Isa sa mga frustrations ng founder ng Walk of Fame Philippines na si Kuya Germs ay ang kakulangan ng government support para mas lalo pang pagandahin at palaguin ang proyektong ito.

Sabi ni Jaya sa bagay na ito, "I wish talaga na makakuha siya ng support from the government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, I’m suggesting lang, na kung puwede si Kuya Germs could ask help sa iba’t ibang organisasyon, like sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit.

"At sa iba para magkaisa at makausap ang kinauukulan.

"Ang alam ko, Kuya Germs had been lobbying for this since before pa, siguro wala pa ngang resulta.

"Tingnan natin kung ano ang mangyayari, pero sana nga ay suportahan ang noble cause na ito ng aking ama-amahan.

"Para mas maging malaki, at kaabang-abang.

"I mean, hindi naman biro ang pinagdadaanan ng ating local talents.

"At ang ganitong pagbibigay-parangal sa kanila ay dapat lang na ituluy-ituloy, ’di ba?"

25-YEAR SUCCESS. Sa puntong ito ay kinumusta namin ang assessment niya sa kanyang career ngayong magtatapos na ang taong 2014?

Saad ng anak ni Elizabeth Ramsey, "It’s okay, twenty-five years na rin ako and, I think, successful siya.

"I have all friends in the business at talagang masaya ako.

"I am doing a show with Allan K. sa States bago mag-Pasko.

"So major blessing siya para sa akin bago magtapos ang year na ’to.

"Next year, forty-five years old na ako at pinaghahandaan ’yan ng manager ko [si Maristel Fernandez].

"Gusto niya kasing gawin yung beyond twenty-five years ko sa industry.

"But now, gusto ko rin muna na mag-slow down because we lost nga a child, e."

WHITE CHRISTMAS. Matatandaan na nakunan si Jaya matapos niyang sumailalim sa isang operasyon noong nakaraang buwan.

Ang namatay na baby na yun sa kanyang sinapupunan ay tinawag niyang baby Max.

Sabi nga niya, "I lost him three days before my show.

"But still, I was lucky and blessed na I was able to do my anniversary show despite nga sa pinagdaanan ko.

"The first one week [matapos siyang makunan], sobrang talagang...

"Alam mo yun, yung pain ng isang ina?

"Pero I have to move on, kaya ngayon naiintindihan ko na kung anong meron kami, kung ano ang nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, kung may nawala, may ipapalit naman ang Diyos.

"Sa isip ko na lang, ’Buti pa nga siya, nauna na sa langit, diretso yun.’"

Kaya nga raw ngayong Christmas ay pipilitin nilang mag-anak na maging masaya.

Aniya, "This holiday, we will be with the family ng husband ko sa Washington.

"After ng shows namin ni Allan, punta na ako sa Washington to be with them, ganun lang.

"Its gonna be a white Christmas for us, kaya ang kids ko, excited talaga sila. "


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN