Martin Escudero waiting for the right time to court Ritz Azul; admits to dating non-showbiz girl from Batangas

Wala raw kaso sa Kapatid actor na si Martin Escudero kung taga-showbiz o hindi ang liligawan niya. Paliwanag niya, “Ako, hindi ako namimili kung showbiz o non-showbiz kasi pareho siyang may maganda at pangit na bagay. Kung sino talaga yung mapusuan regardless kung showbiz o non-showbiz.”


Aminado si Martin Escudero na hindi nawawala ang paghanga niya kay Ritz Azul.

Sa mga panayam kasi noon sa Kapatid actor ay inihayag nito na kung may liligawan siyang taga-showbiz, ito nga ay si Ritz.

Kaya ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Martin ay kung ano na ang nangyari sa balak sana niyang panliligaw kay Ritz.

“Busy pa kasi siya, e.

“Kumbaga, siguro hinihintay ko lang siya na… alam mo yun, kasi nasa kalagitnaan din siya ng journey niya sa showbiz, e.

“Ayoko muna kasi baka mapariwara pa!” biro ni Martin.

Nakausap ng PEP si Martin sa pocket presscon ng primetime mini-series ng TV5 na pinagbibidahan nila ni Eula Caballero, ang Wattpad Presents Just For A While, na ginanap sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City, Huwebes, Disyembre 4.

Nagsimula raw humanga at magkaroon ng feelings si Martin kay Ritz nang magkasama sila sa TV5 shows na Glamorosa at Kapitan Awesome.

Hanggang ngayon ay nariyan pa rin naman daw ang feelings niya para kay Ritz.

Sabi ni Martin, “Siyempre hindi na ibang tao sa akin, malapit na tao na sa akin si Ritz.

“Kumbaga, kilala ko na siya pati yung pamilya niya, kaya kung magiging desidido ako na ligawan siya, okay na ako.

“Kumbaga, time na lang yung hinihintay ko.”

Nagkita na ba sila ni Ritz lately?

“Opo, sa mga event ng TV5, nagkikita po kami.”

Nag-uusap ba sila?

“Okay naman kami. Kami’y mabuting magkaibigan naman.”

Kaya ba hindi pa siya nagkakaroon ulit ng seryosong relasyon sa ibang babae ay dahil si Ritz talaga ang tina-target niyang maging girlfriend?

Makahulugang sagot ng StarStruck alumnus, “Hindi ko masasabi kung intuition ba iyan, kung sino ang pipiliin mo—yung mahal mo o mahal ka.

“Hindi ko alam. Siguro nasa panahon na lang talaga.

“Sabi ko nga, ayoko munang guluhin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ‘pag ready na ang lahat, at saka ‘pag alam mo yun, steady na rin siya sa career niya talaga.”

Ang aktres na si Jennica Garcia pa ang huling naging seryosong girlfriend ni Martin at limang taon na rin ang nakararaan nang maghiwalay sila.

Ngayon nga ay may asawa na si Jennica sa katauhan ni Alwyn Uytingco. Habang si Martin ay nananatiling single.

BATANGAS GIRL. Dahil hindi naman niya pinopormahan si Ritz ngayon, may ibang babae ba siyang nililigawan o idini-date?

Pag-amin ni Martin, “A, meron akong nakaka-date, pero hindi ko po masyadong…

"Hindi kami nagne-next level kasi, una, malayo yung tinitirhan niya, Batangas.”

Non-showbiz ang sinasabi ni Martin na babaeng taga-Batangas. Nakilala niya ito sa isang event.

“Yun nga yung sinasabi kong meron din namang nagpapatibok ng puso [ko], pero ayoko rin masyadong lalimin kasi graduating siya ’tapos malayo.

“Ngayon, wala pa akong ibang idine-date, siya lang.”

Ano ba ang mas gusto niya, showbiz o non-showbiz?

“Ako, hindi ako namimili kung showbiz o non-showbiz kasi pareho siyang may maganda at pangit na bagay.

“Kung sino talaga yung mapusuan regardless kung showbiz o non-showbiz.”

Sino ang mas matimbang sa puso niya—si Ritz o si Batangas Girl?

“Me ganun talaga?” sabay tawa ni Martin. “Siyempre, si Ritz ngayon, mahal ko siya bilang kaibigan.”

Kaibigan, pero gusto niyang ligawan?

“Siyempre doon naman nagsisimula lahat iyon, ’di ba, sa pagkakaibigan.”

EULA CABALLERO. Kahit nga raw ang leading lady niya sa Wattpad Presents Just For A While na si Eula ay “mahal” niya.

“Si Eula, mahal ko rin bilang kaibigan ko rin,” sabi ni Martin.

Bagama’t dati na Glebnsilang magkakilala ni Eula at nagkakasama pa sa mga event ng TV5, ngayon lang daw talaga siya naging magka-partner sa isang proyekto.

Ano ang na-discover ni Martin kay Eula sa pagtatrabaho nila?

Ayon kay Martin, “Ang maganda kay Eula kasi nakikita ko na energetic siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi mo mararamdaman yung pagod mo ‘pag siya yung kasama mo, madadala ka sa energy niya.

“Iyon ang magandang bagay doon, lalo na kung madaling-araw na, nawawala yung pagod ko, e.

“Pinagmamasdan ko na lang siya. Gaganahan ka pang magtrabaho.”

Mapapanood ang Wattpad Presents Just For A While sa Disyembre 8-12 sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN