Rufa Mae Quinto back in showbiz social scene after breast operation; reveals dating non-showbiz guy

Rufa Mae Quinto says she’s healed of serious medical issues and back to work to complete her third song album and, perhaps, do more movies.


“Non-showbiz siya,” ang mabilis na sagot ni Rufa Mae Quinto sa kung sino ang nagpapaganda sa kanya ngayon.

Gaano na sila katagal?

“Seven months. Pero, of course, it’s infatuation pa lang, charos!” sabay tawa niyang biro.

Matagal-tagal ding nawala si Rufa Mae sa showbiz gatherings at na-miss nga raw niya na makihalubilo at makitsika sa mga movie press at iba pang miyembro ng media.

Ito ang una niyang nabanggit nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Sampaguita Gardens sa Quezon City, Huwebes, December 4.

“E, ’di ba nagkasakit ako? Nagkaroon ako ng cyst sa breast,” paliwanag ni Rufa Mae kung bakit hindi siya naging visible nitong mga nakaraang buwan.

Paglalahad pa niya, “A year before that, I was in pain, ’tapos naopera.

"In six months, mga four times, pero ngayon healed na ako.

"But then, siyempre, hindi ako puwede… kapag ganitong maginaw, may kirot-kirot pa rin siya na eksena.”

MYSTERY MAN. Ibig niyang sabihin, habang nagri-recover siya mula sa kanyang operasyon, do’n siya na-in love?

“Basta may isang guy na… who has been there.

"Inalagaan niya ako, no’ng masakit na masakit na at kailangan ko nang operahan.

"Nando’n siya. Concerned, ’di ba?” tawa niya ulit.

“’Tapos gumaling ka. Parang thank you, thank you ka naman.

“’Tapos, sweetness n’yo pa, parang gano’n.

"Pero siyempre too early pa.”

TO BE ANNOUNCED. Is the guy the one na kaya?

“Kung siya ang mag-a-announce na boyfriend ko, siya na ‘yon, ’di ba?

"Kasi kung hindi, huwag na lang mag-announce.”

Ano ba ang nakakapigil para sa announcement?

“Hindi. Kasi hindi pa kami nakakapag-usap nang seryoso din, e.

"Kumbaga, hindi pa kami nag-usap na, ’Are we, aren’t we?” tawa na naman niya.

So nasa level pa lang sila ng dramang exclusively dating?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang gano’n. E magbarkada na kami, matagal na.

“So parang MU [mutual admiration], kaya nga friends-friends and all.”

Ilang taon yung guy at ano ba ang ginagawa niya sa buhay?

“He’s thirty-something, and marami, marami siyang ginagawa na trabaho.

“He’s a businessman, hanggang do’n na lang ang masasabi ko,” nangiting sambit pa ng aktres.

CHRISTMAS WISH. Malapit na ang holiday season, ano ang plano niya this Christmas?

“Sa ngayon wala pa. Hindi ko pa napag-iisipan.”

Hindi niya naiisip na magbakasyon out of the country o kahit out of town lang?

“I wanna leave with my family, kaya lang wala pa kung anong date and all.”

Meron ba siyang inaasam na gift o kaya naman ay Christmas wish for this year?

“E basta sa akin, good health.

"At saka, siyempre, gusto ko sana maging successfull at tangkilikin ng moviegoers ang lahat ng filmfest movies ngayong Pasko.

“At saka, happy birthday kay Lord Jesus, birthday Niya ang Christmas.

“’Tapos pati ako din, magtuluy-tuloy na ‘yong happiness ko.”

May special role si Rufa Mae sa MMFF entry ni Vic Sotto na My Big Bossing.

Ginagampanan niya ang role bilang fairy godmother ni Ryzza Mae Dizon sa ikatlong episode nito na "Prinsesa."

“Sa story, papagandahin ko si Ryzza, kumbaga, ako ang epitome of beauty.

"So gusto niyang gumanda, sa akin siya pupunta.

“Glamorosa ang effect ng character ko. Naka-gown.

“’Tapos hina-harness-harness, palipad-lipad, so masaya.

Natutuwa ako na maging part ng pelikula ni Bossing na entry sa MMFF.”

NEW SONG ALBUM. Kuntento naman daw si Ruffa Mae sa takbo ng kanyang career ngayon. Masaya na siya sa dalawang shows niya sa GMA na Bubble Gang at Vampire Ang Daddy Ko.

“Ngayon, tatapusin ko yung bagong album ko.

"I’m working on that for next year na.

“Pangatlo ko nang album itong ginagawa ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga bagong songs, meron ding mga revival.

“’Tapos I’m looking forward na makagawa ng mga pelikula.

"May mga under negotiation pa sa ngayon, saka ko na lang itsitsika kung sure na,” nangiting huling nasabi ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN