Cristalle Henares not in a rush to get married: “Hindi pa, wala pa. Pero dapat soon na....”

Cristalle Henares on possibility of making long-term plans with her current boyfriend Justin Pitt: “Ako hindi naman sa wishing, pero ang ginagawa namin ngayon, parang kinu-confirm kung kami talaga ang meant for each other.”


Naging punong-abala si Cristalle Henares sa pang-anim na bridal shower na handog ng Belo Medical Group para sa celebrity endorser nilang si Marian Rivera, na nakatakdang ikasal kay Dingdong Dantes sa Disyembre 30.

Si Cristalle din ang nag-asikaso ng pictorial at video shoot ni Marian para sa Belo.

“Haping-happy ako for Marian at ang cute niya.

“Nag-photo shoot kami, ang cute-cute niya, tingnan mo naman yung mga pictures.

“’Tapos meron kaming video, makikita mo napaka-playful ni Marian, and parang ibang-iba yung glow niya.

“So haping-happy lang ako for her. Ang maganda kasi kina Marian at Dong, six o seven years na silang magkasama, so dapat lang [na ikasal na sila].

“So ano pa ba yung hinihintay ninyong dalawa? Gusto na namin ng Baby Marian at saka ng Baby Dong,” sabi ni Cristalle.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristalle sa sixth bridal shower cum presscon at Christmas party with the press na inorganisa ng Belo para kay Marian na ginanap kahapon, Disyembre 5, sa Ariato Events Center sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Cristalle, nag-usap daw sila closely ni Marian para maging successful ang naturang event.

“Tinanong ko siya kung anong gusto niyang concept. Sabi niya, ‘Ano na lang tayo... bridal shower. Kasi hindi pa ako nagba-bridal shower with the press.’

“So sabi ko, ‘Okey, sige let’s make it super fun.’ So bridal shower slash presscon slash Christmas party. We really prepared for it.”

Dahil nga malapit nang ikasal si Marian, ang Kapuso Primetime Queen ang napili nina Dra. Vicki Belo at Cristalle para mag-endorse ng Belo Bridal Collection. Incidentally, isa sa mga ninang sa kasal nina Marian at Dingdong si Dra. Belo.

“Dingdong has been with Belo for years and years. Pero I’m so happy that this year was a good year for us kasi noong summer na-launch po namin yung summer collection with Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s nice to end the year with Marian also, ngayon hindi lang summer collection pero bridal collection naman.

“My mom [Vicki] started putting up a bridal collection, kasi when she was going to get married noon, sabi niya nagkaka-pimples siya or she was scared to have pimples.

“So ayaw niyang ma-experience ng other brides yun.

“So meron kaming mga packages na pang-five months before your wedding or three months before your wedding or even two weeks or one week before your wedding day, puwede ka naming i-polish at pagandahin.

“Wedding kasi is the bride’s day, ’di ba?” paliwanag ni Cristalle.

NOT IN A HURRY TO GET MARRIED. Natanong tuloy ng PEP kay Cristalle na kaya ba nagawa niya nang maayos ang bridal shower, photo at video shoot ni Marian ay dahil inspired din siya ngayon sa kanyang bagong lovelife sa kanyang Australian boyfriend na si Justin Pitt?

Kuwento niya, “Dinala ko si Justin sa pictorial. Nagbakasyon siya ng one month, yung first week niya dito sa Pilipinas. Dinala ko siya sa pictorial ni Marian, so nakita niya.”

Hindi ba na-pressure si Justin na mag-propose sa kanya nang makita ang bridal pictorial ni Marian?

“Hindi naman. Nakita niya yung production. Na-pressure yata,” biro ni Cristalle.

“Hindi, hindi naman. Pero kasi nakita niya sa Pilipinas kung gaano tayo nagse-celebrate. Si Marian, pang-anim na niyang bridal shower ito.”

E, siya ba kailan mangyayari ang bridal shower niya?

Aniya, “Hindi pa, wala pa. Pero dapat soon na, thirty-one na ako, e.”

So siya na ba ang susunod na ikakasal?

Mabilis niyang tanggi, “No, hindi pa. Hindi pa namin napag-uusapan.”

Hindi naman daw sila nagmamadali ni Justin para magdesisyon nang magpakasal. Pero wish niya ba na si Justin na ang makatuluyan niya?

“Ako hindi naman sa wishing pero ang ginagawa namin ngayon parang kinu-confirm kung kami talaga ang meant for each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi naman kami six years katulad nina Marian at Dong, six months pa lang kami.

“Ang importante pa rin sa akin yung values, kung yung values nyo pareho, no doubt you’ll get along, ’di ba?

“Ang mahirap is long distance kami, but ang maganda is every day kaming nag-i-Skype.

“Minsan kasi ’pag magkasama kayo palagi, nagha-hug na lang kayo, hold hands, hindi na kayo nagto-talk masyado.

“So ang maganda sa Skype we’re forced to talk to each other, so that’s good. For me, I’m still learning more about him because we talk a lot.”

IT’S SHOWTIME EXPOSURE. Unang nakita ng madlang pipol ang boyfriend ni Cristalle nang makita itong kasama niya sa It’s Showtime, kung saan ibinuko ang relasyon nila ng isa sa mga hosts nito na si Vice Ganda.

“Nagpunta kami sa Showtime kasi gusto kong ipakita sa kanya yung Showtime. Biglang pinuntahan kami ni Kuya Kim [Atienza], ’tapos ang tagal naming nababad sa camera, wala man lang akong make-up at all.

“Pero masaya naman. Noong hiningi nga yung comment niya, sabi niya, parang ‘Napakasaya ng show na ito, para raw siyang naka-steroid.’ Fun on steroid kasi sobra raw siyang masaya,” pahabol pa niya.

MEETING JUSTIN. Paano ba sila nagkakilala ni Justin?

Patuloy pa ni Cristalle, “Through a common friend, yung friend namin, si Frank Briones. Nag-meet kami sa Abu Dhabi.”

Ano ang mga nagustuhan niya kay Justin?

“Ang maganda sa kanya kasi thirty-seven na siya, ako thirty-one. GM [general manager] siya ng isang hotel called Anantara Hotel, and he’s gonna be the GM sa Cambodia. Napakaseryoso na siya,” lahad niya.

Mas gusto ba talaga niya ng foreigner bilang boyfriend?

Ani Cristalle, “Kasi para sa akin yung foreigner, independent sila. ’Tapos ang maganda sa kanya nanirahan na siya sa Asia for fifteen years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So he lived in Thailand, sa Bangkok, sa Phuket. ’Tapos sa Hong Kong. He likes Asia.”

Wala bang problema sa cultural differences?

Sabi pa niya, “Wala, wala, none at all. Kasi siyempre dito na siya nakatira [sa Asia] for fifteen years, so alam na niya yung culture. Yung best friend pa niya nakatira sa Pilipinas.”

BF CLOSE TO HER FAMILY. Ano ang sabi ng Mommy Vicki niya kay Justin?

Masaya niyang tugon, “She likes him. Nandito si Justin noong Mother’s Day noong May.

“Two weeks after kaming magkakilala, pumunta siya sa Philippines and na-meet na niya si Mommy.

“Kasi yung common friend nga namin si Frank Briones sinabi na niya kay Mommy na mabait, matino, GM, responsible. So sabi ni Mommy parang maganda na yung introduction.”

E, ang daddy niyang si Atom Henares? Na-meet na rin ba ni Justin?

Pakli pa niya, “Na-meet na niya. ’Tapos dinala pa nga ng daddy ko sa go kart, nag-shooting sila.”

Okey rin daw si Justin pati sa kapatid niyang si Quark Henares. Masaya naman si Cristalle na maganda ang relasyon ni Justin sa kanyang family.

“Yes, okey sila. At saka mabait si Justin, alam na niya yung gusto niya,” pagmamalaki pa ni Cristalle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN