Arnee Hidalgo on reviving her singing career via The Voice stint: “Gusto ko lang i-share ulit yung music ko.”

Arnee Hidalgo feels that since she’s given enough time to raising her two kids, the time is ripe for her to rekindle her passion for singing: “Kaya nga since marami na rin naman akong na-spend time with my two kids, nakita ko rin naman silang lumaki, so I thought it’s about time to pursue my love for singing para mai-share ko ulit yung talent ko.”


Itinuturing ng R&B singer na si Arnee Hidalgo na magandang platform at opportunity para sa muli niyang pagbabalik sa showbiz—partikular na sa music industry—ang pagsali niya sa The Voice of the Philippines season 2 ng ABS-CBN.

Pinalad na ikutan si Arnee ni Coach apl.de.ap sa pagkanta niya ng “Feeling Good” ni Nina Simone sa final blind auditions na umere noong Nobyembre 30. Siya ang kumumpleto sa 14 members ng Team Apl na maglalaban-laban naman sa battle rounds ng reality singing competition.

“Yes, maganda siyang platform. Ngayon ko siya [singing career] tinutuloy ulit.

“Actually, hindi naman ako totally nag-stop pero nag-lie low po talaga ako sa singing after I gave birth to Sam [her second son].

“Although I released din naman po an album noon, kaya lang it was like part-time singing and being a full-time mom.

“So yun ang pinagkaabalahan ko noon and also I helped din sa family business namin,” sabi ni Arnee.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arnee kagabi, Disyembre 5, pagkatapos ng first set niya bilang featured artist sa Friday Night Live ng Eton Centris sa Quezon City.

Ngayon daw na malalaki na ang mga anak niyang sina Sam at Andre Shoaf, 9 at 13 years old respectively, panahon na raw para maging aktibo na ulit siya sa pagkanta.

“Gusto ko lang i-share ulit yung music ko. Gusto kong ituloy yung passion ko, sabi ko nga this [singing] is something I want to do for the rest of my life.

“Kaya nga since marami na rin naman akong na-spend time with my two kids, nakita ko rin naman silang lumaki, so I thought it’s about time to pursue my love for singing para mai-share ko ulit yung talent ko.”

Sumikat si Arnee noong early 2000 nang mag-hit ang cover version niya ng Francis Magalona song na “Cold Summer Nights.” Ni-represent niya rin ang Pilipinas sa international singing competition na Voice of Asia noong 2002 sa Kazakhstan, kung saan nagkamit siya ng silver prize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEELING BLESSED. Bukod kay Arnee, ilang celebrities pa ang pinalad makapasa sa blind auditions at naging parte ng team ng apat na coaches na sina Apl, Lea Salonga, Bamboo Mañalac, at Sarah Geronimo.

Nakapasok sa next round sina Mojofly singer Lougee Basabas, dating Rivermaya vocalist Jayson Fernandez, pinsan ni Rachel Alejandro na si Nino Alejandro, at anak ni Sen. Gringo Honasan na si Kai.

Pero meron ding celebrities na walang umikot na coach gaya nina Karla Estrada, Faith Cuneta, at ang dalawang anak ni Rico Puno.

“Natutuwa talaga ako and I feel so blessed na CoachApl got to appreciate my voice. Lalo na he’s from Black Eyed Peas and I’m a big fan of the group.”

Anong naramdaman niya na noong malapit nang matapos ang kanta niya ay saka pa lang umikot si Coach Apl?

“Noong may umikot na for me, talagang relief yung na-feel ko kasi talagang iba yung feeling na mag-perform sa isang contest.

“Ibang-iba siya sa feeling pag nagpe-perform to entertain people kasi parang may pressure na at saka yung feeling na, ’May iikot ba?’ Risk din naman talaga iyon na parang make or break yun for me.”

Noong una raw ay medyo hesitant si Arnee na sumali.

“Not that I don’t want to join, fan nga po ako ng show na iyan. Kaya lang siyempre natatakot po talaga ako sa magiging outcome, and probably sa pressure din,” pag-amin niya.

Mabuti na lang daw at pinush siya ng kapatid niyang singer din na si Jeffrey Hidalgo kaya nakumbinsi rin siyang subukang mag-audition. Present nga si Jeffrey noong blind auditions kasama ang mga anak ni Arnee na sina Sam at Andre.

SUPPORTIVE MOM. Bago si Arnee, nauna nang sumali sa The Voice Kids ang bunso niyang si Sam. Naging member ng Team Sarah si Sam pero natalo ito sa battle rounds kay Darren Espanto, na naging first runner-up sa grand finals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling niya na may sumusunod na sa mga yapak nila ni Jeffrey bilang singers?

“Natutuwa po talaga ako na diyan siya nalilinya without me encouraging him noong una.

“First performance niya ever yun noong sumali siya sa The Voice Kids. Kahit sa school hindi siya sumasali.

“Sa bahay naririnig ko lang siyang kumanta. Kaya noong sinabi niya na gusto niyang sumali sa The Voice Kids, sabi ko, huwag na. VTR ka na lang, commercial, sabi ko.

“Pero gusto niya talaga, kaya sabi ko, ‘Sige nga try nga natin. Patulan kita.’ Noong makapasa siya talagang natuwa ako. Since then sinuportahan ko na siya sa gusto niya,” pagmamalaki ng proud mommy.

Biro nga ni Arnee, dinaig daw siya ni Sam dahil two-chair turner si Sam nang umikot sina Sarah at Lea para sa young singer. Sa team nga ni Sarah ito napunta. Okey lang daw kay Arnee kahit na hanggang battle rounds lang umabot ang anak.

“Okey lang, sabi ko nga at least umabot siya doon. Kung hindi rin naman nangyari yung The Voice Kids, hindi ko madi-discover na ito pala yung linya niya.

“After noon at saka ko na lang siya tine-train talaga.”

Ano ang plano nila ng asawa niyang si Yancy Shoaf para kay Sam?

“Tuluy-tuloy lang siyempre ang pag-develop sa kanyang talent.

“Tuluy-tuloy din ang kanyang pag-aaral, Grade 4 siya sa La Salle. Ngayon nga nagwu-workshop na rin siya sa acting sa Star Magic.

“Hilig talaga niya ang acting, singing, dancing, performing. Kaya we’re just here to support him. At saka he writes songs.

“After kasi ng The Voice Kids at saka ko lang siya pinaturuang mag-guitar. So ngayon may na-compose na siyang songs, hindi pa nga lang tapos.

“Hopefully, by next year ’pag natapos na niya, sabi ko nga maglabas kami ng single niya.

“Sabi pa niya sa interview sa kanya noon, ‘I want to be more popular than my mom and my tito,’” proud na sabi ni Arnee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pa niyang anak na si Andre ay sa sports naman nahihilig. Naglalaro raw ito ng basketball at kasama sa varsity team ng school.

GIGS. Bukod sa The Voice of the Philippines, mapapanood naman nang live si Arnee sa Friday Night Live sa Eton Centris. Featured artists sila ni Jeffrey tuwing Biyernes ngayong buwan ng Disyembre. Salitan sila ng schedule, si Arnee ay sa Disyembre 5 at 19, habang si Jeffrey naman ay sa Disyembre 12 at 26.

Kagabi nga ay naka-jamming pa ni Arnee sina Sam at Jeffrey sa stage. Tuwang-tuwa ang mga manonood lalo na kay Sam na very energetic kung mag-perform.

“Oo nga, e. Tumatalon pa si Sam sa stage para lumapit sa mga tao.

“Si Kuya naman, I’m happy na we get to do duets. Very supportive talaga iyang si Kuya sa amin ni Sam.

“Nakita nyo naman siya pa ang kumukuha ng video, ’di ba? I’m also happy that I get to sing my songs as well as current and modern songs din, meron ding throwback songs.

“Chill-chill lang. So sana people can visit and watch us here sa Eton Centris all Fridays of December.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN