Shy Carlos hopes to be as successful as fellow Viva talent Nadine Lustre

Shy Carlos hopes to equal her friend and colleague Nadine Lustre’s well-deserved success: “Kahit sino naman gustong marating ang kinalalagyan ni Nads ngayon. She’s a leading lady now at ang dami na niyang mga endorsements. Nag-work kasi ang loveteam nila ni James Reid.”


Unti-unti nang nabibigyan ng magandang break si Shy Carlos.

Kabilang siya sa mga tinaguriang Viva Princesses, kunsaan kasama niya sina Nadine Lustre at Yassi Pressman.

Since 2008 pa active sa showbiz si Shy bilang miyembro ng all-girl singing group na Pop Girls. Pero ngayong taon lang siya talagang naging sobrang busy dahil sa sunud-sunod na naging trabaho niya.

“Natutuwa po ako sa mga dumarating na blessings sa atin.

“After doing TV commercials, naging part ako ng Pop Girls and then I did a few TV shows and movies, thankful po ako sa Viva for taking good care of me.

“This year nga, mas naging busy po ako and it’s something that I really love doing.

“Kahit nga sumasabay pa siya sa studies ko ngayon, okey lang kasi po nakakapag-adjust naman ako.

“What’s important is that I’m working and not giving up my studies,” pahayag ni Shy sa kanyang interview sa The Jon Santos Show last December 6 sa Viva Channel.

BE CAREFUL... STINT. Last August ay napasama ang 19-year-old Viva talent sa cast ng long-running daytime series na Be Careful With My Heart.

Nagpasalamat siya na bago nagpaalam se ere ang show noong November 26 ay naging bahagi siya ng pamilya nito.

Saad ni Shy, “I felt so lucky na mabilis akong naging close sa cast ng Be Careful With My Heart.

“I was with the show for about four months lang and that was enough time na maging close ako sa kanilang lahat, lalo na kina Ser Chief [Richard Yap] at Maya [Jodi Sta. Maria].

“And of course sa naging partner ko sa show na si Luke [Jerome Ponce].

“Nakakatuwa ang closeness nila sa set and I am happy to be part of the show kahit na saglit lang. Nami-miss ko na nga silang lahat.”

MOVIE. Nakasama rin ang Pinay-Swiss actress sa Kim Chiu-Xian Lim comedy film na Past Tense. Gumanap siya bilang ex-girlfriend ni Daniel Matsunaga sa naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “It was an honor for me to be part of that movie.

“I’ve always liked Kim Chiu at kahit sa ilang eksena lang na nagkasama kami, she was very nice and very accommodating sa kanyang mga fans.

“Pero super-kinilig ako kay Daniel Matsunaga!

“We had a few kissing scenes nga sa movie.

"I played kasi his girlfriend before si Kim. Kaya okey lang naman na may ganung eksena dahil kasama sa trabaho namin.

“And Daniel is such a gentleman. He is such a professional actor at ang guwapo niya talaga!”

VJ. Busy rin si Shy bilang isa sa mga video jocks or VJs ng MTV Pinoy. Madalas nga raw niyang makasama sa kanyang segment ay si Andre Paras.

Kuwento niya, “Actually, na-surprise ako noong makasama ako sa MTV Pinoy.

“I auditioned for it pero hindi ako nakasama sa short list nila.

“But then, tinawagan ako ng Viva and they said na kasama na ako bilang isa sa mga new VJs ng MTV Pinoy.

“Nakakatuwa ang ginagawa namin ni Andre because we go out sa iba’t ibang places and we interview different people.

“I like interacting with many people and MTV Pinoy gave me that awesome opportunity.”

HAPPY FOR NADINE. Dahil sa tinatakbo ng career ni Shy, hindi raw malayo na marating din niya ang kinalalagyan ngayon ng kasamahan niya sa Pop Girls noon na si Nadine Lustre.

Sabi niya tungkol dito, “Malayo na ang narating ni Nads and I am very happy for her.

“Kami ang laging magkasama noon sa Pop Girls at sa mga shows sa TV5, like yung Bagets, Sunday Funday, and Hey It’s Saberday.

“Kahit sino naman gustong marating ang kinalalagyan ni Nads ngayon.

"She’s a leading lady now at ang dami na niyang mga endorsements. Nag-work kasi ang loveteam nila ni James Reid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ganun din ang mangyari sa akin, I would be very happy.

“Pero kailangan pagtrabahuan ko pa nang husto.

“Si Nadine kasi, she really worked very hard. Laging nandoon ang determination niya sa trabaho.

"Kaya she deserves whatever she’s getting right now."

May naka-lineup na dalawang pelikulang gagawin si Shy for Viva Films. Ito ay ang Para Sa Hopeless Romantic at Operation: Break Casanova’s Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN