Lovi Poe has "moved on" from issue with director Erik Matti

Lovi Poe on how boyfriend Rocco Nacino makes her laugh: “Kasi, yun ang hilig kong gawin, tumawa. So, wala akong gustong gawin kung hindi ang tumawa lang nang tumawa. He’s a funny, handsome guy.”


Naka-“move on” na raw si Lovi Poe sa kontrobersiyang kinasangkutan niya at ng direktor na si Erik Matti.

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin si Direk Erik sa Facebook tungkol sa pagkadismaya niya sa hindi pagkakatuloy ni Lovi na gawin ang Kubot: The Aswang Chronicles, ang sequel ng 2012 movie na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Sabi ni Lovi sa live interview niya sa The Buzz kahapon, December 7, “For me, I’ve moved on from it already and I wish him [Direk Erik] all the best this Christmas talaga.”

Hindi sila nagkausap at nagkaroon ng closure ang isyu nila?

Sagot ng Kapuso actress, “Wala sigurong pagkakataon na mag-usap.

“Pero for me naman, sa akin, okey na. Okey na ako.

“Parang nag-move on na ako from it.”



LOVI’S BOYFRIEND. Kinumusta rin ng host na si Kris Aquino ang relasyon ni Lovi sa boyfriend nitong si Rocco Nacino.

Ayon kay Lovi, “Yeah, mabait siya.

“And super fun kasi very refreshing, very light. So, masaya.”

Mahilig din daw magpatawa si Rocco kaya tawa lang nang tawa si Lovi.

“Kasi, yun ang hilig kong gawin, tumawa.

“So, wala akong gustong gawin kung hindi ang tumawa lang nang tumawa.

“He’s a funny, handsome guy,” sabi ni Lovi tungkol sa kanyang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN