Richard Yap reveals his naughty side to Praybeyt Benjamin co-stars

Richard Yap on his co-stars in The Amazing Praybeyt Benjamin: “Ang galing kasi nilang magbitaw ng mga linya, kahit wala sa script on the top of their head they could just come up with something funny. Kaya nape-pressure ako, e. Medyo tahimik lang ako, so I’m just trying to learn from them to see how to be a better comedian also, so that I can also contribute to the movie.”


Idinaan na lang sa tawa ni Richard Yap ang ginawang pambubuko sa kanya ni Vice Ganda sa presscon ng pelikula nilang The Amazing Praybeyt Benjamin, ang entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2014.

Ayon kasi kay Vice, may pagka-naughty o “malaswang” side din si Richard.

Kaya naman hiningan ng komento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tsinitong aktor tungkol dito pagkatapos ng presscon na ginanap kahapon, Disyembre 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

“Hindi naman [malaswa]. May mga joke tayo na minsan hindi masyadong wholesome!” sabay tawa ni Richard.

Dagdag niya, “Hindi naman kasama sa movie yun, off-cam lang. Minsan bumabagay lang ako sa joke nila.”

Sabi pa ni Richard, gumaganti lang siya sa naughty jokes nina Vice.

“Sila naman ang nauuna. Gumaganti lang ako.”



FUNNY MAN. Ang totoo raw ay very proud si Richard na nakasama siya ni Vice sa The Amazing Praybeyt Benjamin.

“Of course, I’m very proud to be a part of The Amazing Praybeyt Benjamin kasi ito yung pinaka-amazing na movie this MMFF.

“’Pag nakita mo pa lang yung amazing duo nina Vice Ganda at Direk Wenn Deramas, you’ll know that it’s going to be a hit already.”

Kumusta katrabaho si Vice?

“Okay si Vice. Mabait si Vice sa akin, ang tagal na naming magkaibigan, e.

“At saka ‘pag hindi ano, ayun, tinatapik niya ako,” biro ni Richard na ikinatawa naman ng mga tao sa presscon.

“It’s very nice working with him kasi parati naman kaming magkasama, e.

“Noong nag-show kami sa Europe, magkasama kami, so we know each other quite well.”

Sa presscon, sinabi rin ni Vice na talagang nakakatawa si Richard sa mga eksena nila at kung minsan daw ay nate-take six sila dahil natatawa nga sila sa aktor kahit na napakaseryoso ng mukha nito.

“Well, ang role ko kasi rito is I’m a strict general. Kaya ibinabagay ko lang sa character ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako masyadong nagpapakengkoy pero ‘pag nagbabato ako ng line, hindi ako tumatawa kahit pampatawa yung line.

“You just have to watch it,” paliwanag ni Richard.



WORKING WITH THE CAST. Kumusta namang katrabaho si Bimby Aquino Yap na kasama rin nila sa movie at gumaganap na anak niya?

Ayon kay Richard, “Okay naman siya, he’s very nice. Tahimik lang siya. Okay naman yung mga eksena namin.”

Nag-enjoy rin daw si Richard sa pakikipagtrabaho sa buong cast na kinabibilangan din nina Tom Rodriguez, Alex Gonzaga, Eddie Garcia, Al Tantay, Malou de Guzman, Abby Bautista, Angeline Urquico, Nikki Valdez, Kean Cipriano, Vandolph, DJ Durano, Ricky Rivero, Gerard Garcia, at Atak.

Marami raw natutunan si Richard sa kanyang mga kasama sa pelikula pati na rin kay Direk Wenn.

“Etong The Amazing Praybeyt Benjamin is another learning experience for me.

“Marami akong natutunan kina Direk Wen, at saka kay Vice, sa kanilang lahat.

“Ang galing kasi nilang magbitaw ng mga linya, kahit wala sa script on the top of their head they could just come up with something funny. Kaya nape-pressure ako, e.

“Medyo tahimik lang ako, so I’m just trying to learn from them to see how to be a better comedian also, so that I can also contribute to the movie.”



FRUITFUL & BUSY YEAR. Samantala, tinanong ng PEP si Richard kung paano niya ilalarawan ang kanyang 2014.

Tugon niya, “I think it’s been a very fruitful and very busy year.

“Kakatapos lang namin ng Be Careful With My Heart, now etong Praybeyt Benjamin naman.

“So, I’ve been very lucky na tuluy-tuloy yung mga projects ko.”

Ano naman ang Christmas plans nila ng kanyang pamilya?

Aniya, “May MMFF, e, so after Christmas na. Magbabakasyon lang kami for a week siguro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN