(UPDATED) Aiza Seguerra and Liza Diño to wed on December 8 in San Francisco; post prenup photos on Instagram

Liza Diño is thankful that her six-year-old daughter understands her relationship with Aiza Seguerra. Right photo shows the couple hugging each other, with Liza commenting, "Tagal na tayo hindi nakakapagyakapan ng ganito."


Nalalapit na ang pagpapakasal ng mag-partner na sina Liza Diño at Aiza Seguerra sa San Francisco, California, USA.

Hindi inanunsiyo ng mag-partner publicly kung kailan talaga ang date ng kanilang pagpapakasal, subalit sa pre-wedding music video ng dalawa na ipinost sa YouTube noong December 6, Sabado, at may pamagat na “Aiza and Liza Road to Forever,” sa dulo nito ay may nakalathalang date na "December 8, 2014" (U.S. time).

Sa interview noong August, sinabi ni Aiza na balak nilang magpakasal ni Liza ngayong taon sa U.S. at magdadaos naman ng union ceremony sa Pilipinas sa 2015.

Read: Aiza Seguerra and partner Liza Diño considering in vitro fertilization

AIZA’S INSTAGRAM POST. Noong December 6, Sabado, ay nag-post sa Instagram si Aiza (cyseguerra) ng prenup photos nila ni Liza, kasama ang anak ng huli na si Amara.

Kalakip nito ang mahabang caption/letter ng singer-actress:

"Dec 6, 2014

"2 days before the big day

"University of the Philippines, Diliman ’Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon...’ June 1999. Nagtanong ako sa iyo tungkol sa UPCAT, gusto ko kasing mag-apply. Sinagot mo yung tanong ko, tapos nagulat nalang ako noong bumyahe ka papuntang Bulacan para ihatid yung application form. Style mo talaga.

"Dun nagsimula ang lahat. Natatandaan ko pa nung parati kitang pinupuntahan sa UP para dalawin ka sa rehearsals habang May dalang Red Ribbon na cake. Naalala ko rin noong napanuod ko pa yung isa sa mga una mong play. Sa UP Theater yun, Shakespeare’s Taming Of The Shrew. Wala akong maintindihan masyado non, hirap talaga ako kay Shakespeare. Pero tuwang tuwa ako nung nakita kita sa entablado. Proud ako nun. Feeling boypren kahit hindi naman tayo.

"Pagkalipas ng maraming taon, napakalaking bahagi pa rin ng UP sa atin. Dito tayo unang nagkita ulit. Dito tayo nag-dedate. Dito kita tinanong kung gusto mo ba akong makasama habang buhay. Dito mo ako sinagot ng ’Oo’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang araw nalang, magkaka totoo na ang pangarap natin. Ang pangarap ko. Excited na ako. Kasi alam ko, kahit matanda na tayo, mag-dedate pa rin tayo sa isawan, sa fishbolan, sa chocolate kiss, sa beach house at pagkatapos maglalatag ng banig sa bandang sunken garden habang nag-kukwentuhan, naglalambingan at nagtatawanan.

"Mula noon hanggang ngayon, lumipas man ang panahon, ang pagmamahal ko sa iyo ay hinding-hindi magbabago.

"#zazaroadto4ever

"#zazafamily"


Dec 6, 2014 2 days before the big day University of the Philippines, Diliman "Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon..." June 1999. Nagtanong ako sa iyo tungkol sa UPCAT, gusto ko kasing mag-apply. Sinagot mo yung tanong ko, tapos nagulat nalang ako noong bumyahe ka papuntang Bulacan para ihatid yung application form. Style mo talaga. Dun nagsimula ang lahat. Natatandaan ko pa nung parati kitang pinupuntahan sa UP para dalawin ka sa rehearsals habang May dalang Red Ribbon na cake. Naalala ko rin noong napanuod ko pa yung isa sa mga una mong play. Sa UP Theater yun, Shakespeare’s Taming Of The Shrew. Wala akong maintindihan masyado non, hirap talaga ako kay Shakespeare. Pero tuwang tuwa ako nung nakita kita sa entablado. Proud ako nun. Feeling boypren kahit hindi naman tayo. Pagkalipas ng maraming taon, napakalaking bahagi pa rin ng UP sa atin. Dito tayo unang nagkita ulit. Dito tayo nag-dedate. Dito kita tinanong kung gusto mo ba akong makasama habang buhay. Dito mo ako sinagot ng "Oo". Ilang araw nalang, magkaka totoo na ang pangarap natin. Ang pangarap ko. Excited na ako. Kasi alam ko, kahit matanda na tayo, mag-dedate pa rin tayo sa isawan, sa fishbolan, sa chocolate kiss, sa beach house at pagkatapos maglalatag ng banig sa bandang sunken garden habang nag-kukwentuhan, naglalambingan at nagtatawanan. Mula noon hanggang ngayon, lumipas man ang panahon, ang pagmamahal ko sa iyo ay hinding-hindi magbabago. #zazaroadto4ever #zazafamily

A photo posted by CY Seguerra (@cyseguerra) onDec 12, 2014 at 6:04am PST


WEDDING PREPARATIONS. Sunud-sunod naman ang posts sa Instagram ni Liza (@lizadino) na may kinalaman sa wedding preparations, indikasyon na nalalapit na nga ang kanilang pagpapakasal.

Nito lamang Linggo, December 7, nag-post si Liza ng larawan nilang dalawa ni Aiza kasama ang six-year-old daughter ni Liza na si Amara.

Sa caption, ikinuwento ng beauty-queen-turned-actress ang eksena noong December 5, Biyernes, ang kanilang “monthsary.”

Sinabi ni Liza na gala night iyon ng kanyang pelikula na In Nomine Matris sa Los Angeles at nag-offer si Aiza na ihatid niya ito papunta sa venue, pero hindi niya ito masasamahan dahil mayroong commitment si Aiza.

Sumunod ay binati raw siya ni Aiza ng “Happy monthsary, Love.”

“So that’s why you wanted to drive me to LA. Oh, love...:) Right then and there, I just felt so wonderful. This is the person I’m gonna be with for the rest of my life...forever just got so much better.

“I must have done something right to be this lucky!” sabi ni Liza sa kanyang post.


AMARA ACCEPTS. Pagkatapos ng post na ito ni Liza, sinundan niya ito ng isa pang post na nangyari naman noong December 4, Huwebes.

Dito ay ikinuwento niya kung paano nagiging isang family affair ang kanilang “wedding D.I.Y (do-it-yourself) project.”

Pinakiusapan daw niya ang anak na si Amara na magsulat ng love quotations sa piraso ng kahoy para sa mga souvenir.

Isinulat daw ng kanyang anak ang mga salitang “Love knows no gender,” indikasyon na nauunawaan na ng kanyang anim na taong gulang na anak ang relasyon ng ina kay Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“People have asked me how my daughter has been taking all these new changes that is happening in our family.

"She’s six, she’s not supposed to understand the ’complications’ involved in situations like this,” paliwanag ni Liza sa caption.

Aniya, nang una pa lamang niyang kausapin ang anak tungkol kay Aiza ay wala siyang balak na magsinungaling sa anak.

Pero nagulat siya sa positibong reaksiyon ng bata.

“I didn’t know how she’s gonna take it. But she smiled at me and hugged me, ‘Mom, I’ve never seen you so happy.’”

Ani Liza, ipinaliwanag niya sa anak na may iba-ibang uri ng pagmamahalan at hindi lamang ito sa pagitan ng isang nanay at tatay.

Kuwento niya sa reaksiyon ni Amara, “She paused a moment then said ‘...as long as you have meaningful love. That’s what you and Baba have, meaningful love.’”

Dugtong pa ni Liza: “In the eyes of a child, the confusion only comes because of the unfamiliar.

"But what we may see as a ‘complication’ can just come down to something very simple: LOVE IS LOVE—it goes beyond gender, race, culture or religion.

"And I’m so proud that at such a young age, she sees the world without judgement!”



Pagtatapos ni Liza sa nasabing post, “We may not be your conventional family.

"But we are HAPPY. That’s what matters....”

HINT. Samantala, nag-post din si Liza ng isang prenup photo nila si Aiza noong December 3, Wednesday, kung saan makikita silang magkayakap.

Aniya, excited na siya sa kanilang pagpapakasal, ang kanilang big day.

“We are days away from our BIG DAY—a day where we declare our love to each other and share this unique and extraordinary experience with our friends and loved ones.

"At the end of the day, this is what matters. The two of us, together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy. and living every moment of this.

"I can’t wait my love.... love you so much!”

Dec 3, 2014 Sometimes we get so consumed by the little things that make up a beautiful wedding that we tend lose sight of the most important thing...US. I miss THIS, too. As much as you do. I’m sorry if we both got caught up with all these preparations. (but im proud of all the craft projects you’ve accomplished!!!) Tagal na tayo hindi nakakapagyakapan ng ganito. We are days away from our BIG DAY--a day where we declare our love to each other and share this unique and extraordinary experience with our friends and loved ones. At the end of the day. this is what matters. The two of us, together. Happy. and living every moment of this. I can’t wait my love.... love you so much!❤️ Pre-nup Photo credits: @theproudrad #zazaroadto4ever

A photo posted by Liza Diño (@lizadino) onDec 12, 2014 at 7:56am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN