Dani Barretto admits missing her aunt Claudine Barretto

Although she describes her relationship with her father Kier Legaspi as "unstable," Dani Barretto says they have no issues and she will always be a Barretto: "Growing up, Barretto talaga ako... nasa birth certificate ko yun."


Para kay Dani Barretto, pinakamatinding kontrobersiya at nakaapekto sa kanya nang husto ang isyu sa pagitan nila ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Si Dani ay panganay na anak ni Marjorie Barretto, na isa sa mga kapatid ni Claudine.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dani, sinabi nitong nalungkot siya nang husto sa mga pambabatikos sa kanya sa social media, lalo na’t sinasabihan siyang walang respeto sa kanyang Tita Claudine.

Nakapanayam ng PEP si Dani matapos ang program launching ng F&H Star Wars collection nong Sabado, December 6, na ginanap sa Mega Fashion Hall, Megamall.

Noong una, ayaw pa sanang pag-usapan ni Dani ang mga isyu sa kanya, pero kusa na rin siyang naglahad ng kanyang nararamdaman sa pinagdaanang pamimintas sa kanya ng kung sinu-sino sa social media.

Saad niya, “Yun yung wala raw akong respeto sa Tita ko [Claudine], yun ang pinakamasakit sa akin.

“Kasi yung physical na panghi-hit, you’ll get over that.

“Parang wala lang naman yun, mas masakit yung personal na ginagamit against you.”

Nagkakausap na ba sila ni Claudine, lalo na ngayong malapit na ang Christmas?

Ayon kay Dani, “Hindi, hindi.

“Ano lang naman, dinadasal-dasal lang. Dinadasal lang ’yan.

“Like what I always say, timing lang talaga everything.”

Pero aminado si Dani na nami-miss niya ang kanyang Tita Claudine.

“Malambing yun. At pag Christmas, napaka-generous nun, nakaka-miss yun.”

NO GRUDGES. Nasabi ni Claudine na puwede niyang tikisin ang kapatid na si Marjorie, pero hindi ang kanyang mga pamangkin. Lagi rin daw niyang sinasabing mahal niya ang mga ito.

Paano kung biglang magparamdam kaya ang Tita Claudine niya ngayong Pasko?

Sagot ni Dani, “Wala naman akong dapat ikasama ng loob.

“What will happen, will happen. Yun lang yun.

“Kung mangyari yun, e, di maganda.

“It’s not really a bad thing, hindi siya kailangang tingnan as a bad thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, akala ng mga tao, porke’t nangyari yung mga issue, masamang bagay na yun.

“Paano ba? Hindi ko ma-explain.

“Basta, ’pag nangyari, mangyayari, yun na lang. Hintayin na lang natin.”

Wala siyang sama ng loob sa Tita Claudine niya?

Sagot ni Dani, “Wala naman, matagal na yun.

“Siguro tampo lang. Wala na yun, tapos na yun.”

Sa palagay ba niya ay lumamig na ang isyu sa pamilya nila, o natutulog lang ito at anumang oras ay sisiklab na naman ang kontrobersiya sa mga Barretto?

“Ay, naku, hindi ko alam! Sana talaga wala na.

“Sana wala na, kasi happy-happy lang. Sana put to rest na lahat.”

Ano ang wish niya this Christmas?

“Well, to have a very, very wonderful Christmas with my family and more blessings.”

NO DADDY ISSUES. Nagkaroon ng isyu sa pagitan ng actor-comedian na si Dennis Padilla at sa mga anak niya kay Marjorie na sina Julia at Claudia.

Pero hindi raw naging problema ni Dani ang ganitong bagay sa kanyang amang si Kier Legaspi.

Paliwanag ng dalaga, “Hindi po. Growing up, Barretto talaga ako.

“Ever since, baby pa ako. Nasa birth certificate ko yun.


“Parang, paano ba? Hindi ko ma-explain.

“Wala naman akong naging isyu ever since with my dad and with my mom."

Kumusta na sila ng daddy niya?

“Hindi kami nagkakausap, e, hindi ko pa siya nakikita.

“Matagal na, almost mga two years na.”

May problema ba silang mag-ama?

“Wala naman. But I guess ganun na talaga ang relationship namin ng dad ko.

“Medyo unstable talaga, pero like I said, timing lang.

“We’ll never know... in God’s time.”

Mahirap bang maging Barretto?

Saad ni Dani, “Mahirap to live up with the name because maraming magagandang nagawa ang mga Barretto naman.

“Pero iba naman yung field ko kaya no pressure.”

Malaki ba ang responsibility niya bilang panganay sa mga anak ni Marjorie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaki talaga. And ano naman ako, safe ate ako,” sabi ni Dani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN