Anne Curtis to KathNiel fans: “Stop the hate and spread the love and peace…”

Muling ipinagtanggol ni Anne Curtis ang nakakabatang kapatid nitong si Jasmine Curtis Smith sa bashers, lalung-lalo na mula sa KathNiel fans. Hindi pa rin kasi tumigil ang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kaka-bash sa Kapatid star matapos itong masangkot sa audio scandal ng una.


Hindi pa rin tumitigil ang bashers ni Jasmine Curtis Smith sa pagku-comment sa kanyang Instagram account nitong mga nakaraang araw.

Kaya naman nakiusap na ang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis sa bashers at sa KathNiel fans na tigilan na ang pang-aalipusta sa kanyang nakababatang kapatid.

Nag-ugat ang pamba-bash kay Jasmine ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang masagkot ang young actor sa isang audio scandal, kung saan nadawit din ang pangalan ni Jasmine na nakasama nito sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel


ATE TO THE RESCUE. Last December 5, nag-post si Jasmine sa kanyang Instagram account ng larawan niya na kuha sa isang event kung saan nagpo-promote ito ng kanilang pelikulang Bonifacio.

#MadFest2014 for @bonifaciothemovie 👊

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) onDec 12, 2014 at 5:37am PST

Sa post na ito ay nag-away-away ang mga fans ni Jasmine at ang KathNiel fans. May nagsabing "malandi" si Jasmine, may nagsasabi ring "pangit" ang ugali, at meron namang nagbabanta sa Kapatid actress.

Hindi na marahil nakatiis si Anne na itinag sa ilang comments at sumingit na siya sa awayan ng mga fans.

Aniya, “@immerei @lyndi_bernardo @yennaizha @dreaxxi_ Hey girls. Such harsh words naman. Why do you have to come to her personal account pa and bash? What satisfaction does it bring you knowing that you are hurting someone’s feelings? If it really makes you happy being so mean, please take that conversation else where. Wag naman dito.”

Kasunod nito ang marami pang masasakit na salitang ibinabato ng mga nagku-comment sa post.

Pagtatanggol muli ni Anne sa kapatid, “@kathrynb0326 @jiagealon it saddens me how mean you can be… if I were to see both of your idols, who I happen to be in good terms with, do you think it would make them proud to hear how you guys have been trolling on this account? I don’t think they would be happy. I don’t think anyone would want their fans of followers to be bashing on their behalf. Maybe that’s something you should keep in mind too. Stop na the negativity. Focus na lang on your love for your idols and all the positive things about them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CEASEFIRE. Halos nasa 500 comments na ang naitala sa post na ito ni Jasmine.

Ayon kay Anne, nabasa niya halos lahat at nakiusap siyang tumigil na ang mga ito sa pangba-bash sa kapatid.

Narito ang buong mensahe ni Anne sa mga KathNiel fans at bashers:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN