Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in the U.S.

Aiza Seguerra starts life anew with Liza Diño, who had their private wedding in the United States.


“Nagsimula na ang buhay ko.”

Ito ang maiksi subalit makahulugang caption ni Aiza Seguerra sa kanyang Instagram post ngayong Martes, December 9, pagkatapos ng kasal nila ng kanyang partner na si Liza Diño.

Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California, ngayong December 8 (December 9 sa Pilipinas), na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya.

Related article: (UPDATED) Aiza Seguerra and Liza Diño to wed on December 8 in San Francisco; post prenup photos on Instagram

Nagsimula na ang buhay ko. #zazagothitched

A photo posted by CY Seguerra (@cyseguerra) onDec 12, 2014 at 6:16pm PST

Samantala, hindi naman mula sa showbiz ang mga miyembro ng entourage ng couple.

Mini-bride ang six-year-old daughter ni Liza na si Amara, samantalang isa sa principal sponsors ang asawa ng aktres na si Sylvia Sanchez, si Arturo Atayde.

Dumalo rin sa kasal si Sylvia at ang anak nitong si Arjo Atayde.

Naging malapit sina Aiza at Sylvia dahil gumanap silang mag-ina sa teleseryeng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN na nagtapos nito lamang November 28.

View more photos: Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in forest wedding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN