Jake Cuenca reveals possible reconciliation with Chanel Olive Thomas

Jake Cuenca on reason of his breakup with Chanel Olive Thomas: "Kung anuman yung mga problema namin, I’d like to keep it to myself. And that’s one reason I love about our relationship, it wasn’t about showbiz."


Pagbalik ni Jake Cuenca sa Pilipinas mula sa mahigit isang buwang pananatili sa New York, napabalita naman ang pagbi-break nila ng model-girlfriend niyang si Chanel Olive Thomas.

May nagsasabing ang mahigit isang buwan nilang pagkakalayo ang posibleng dahilan ng breakup nila.

Ito nga ba ang naging kapalit ng pagpili niyang mapalayo muna rito at mag-aral nga?

“I think, lahat naman ng relationships, may mga obstacles. Life’s not perfect.

“But what I said kanina, we’re working things out. I’m hoping for the best.

“Kung anuman yung mga problema namin, I’d like to keep it to myself.

“And that’s one reason I love about our relationship, it wasn’t about showbiz.

“Parang we really kept to ourselves.”

Posible bang magkabalikan silang dalawa?

Sagot niya, “Yeah, possible.

“Actually, after nga nito, ihahatid ko siya sa airport kasi nga magka-Cambodia siya.”

Balitang malapit ang pamilya ni Jake sa girlfriend. Si Chanel ba ang naging pinakamalapit sa kanyang pamilya?

“Yeah, parang ganun,” nakangiting pagsang-ayon ni Jake.

Inamin ni Jake na pagkatapos ng breakup nila, tila nakapag-isip-isip siguro sila pareho at nag-usap daw muli.

“Shortly after that incident, we started working on the relationship again. We started working things out.

“And you know, I really thank her for all her patience with me.

“Kasi, I’m a very complicated person. I mean, I’m very hard to understand.

“Mahirap akong intindihin especially when I’m in all this whole acting.

“I really appreciate, you know. I really appreciate the love and patience that she gave to me.

“I hope, one day, I can give it back to her.

“Again, we’re working things out at yun nga, sana lang, people can just give us space and let us work in our own time frame.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN