Tom Rodriguez still in "getting-to-know" stage with Carla Abellana

Consistent si Tom Rodriguez sa pagsasabing ayaw niyang lagyan ng label o status ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Carla Abellana. Paliwanag niya, “Napakalumang pagtingin na ikakahon mo yung ganun, lalo na sa industriya natin. It’s better to have the organic. Katulad nga ng sinasabi ko, hindi mo bigyan ng expectations, hindi mo bigyan ng label, ng kahon. Just enjoy what it is and unfold on its own."


“We’re still really getting to know each other better and better every day.”

Ito ang sagot ni Tom Rodriguez nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano na ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Carla Abellana.

Matagal-tagal na ring sinasabi ni Tom na nasa “getting-to-know” status sila ni Carla, hindi pa ba ito nagle-level up?

Sagot ng Kapuso actor, “Yung friendship naman namin is always growing, e.

“Like what I’ve said, I don’t like putting statuses. I don’t like putting any box.

“Napakalumang pagtingin na ikakahon mo yung ganun, lalo na sa industriya natin. It’s better to have the organic.

“Katulad nga ng sinasabi ko, hindi mo bigyan ng expectations, hindi mo bigyan ng label, ng kahon.

“Just enjoy what it is and unfold on its own.

“Ako, ang masasabi ko lang, I’m very, very happy, I’m very, very lucky, and I’m blessed to have her in my life as a very dear friend, a very supportive person.

“Ngayon, mas lalo pa namin nakikilala ang isa’t isa, lalo na her family.

“Kaya nga, I’m very happy and I’m very blessed.”

Ayaw namang magbigay ng komento ni Tom tungkol sa isyu ni Carla at ng ex-boyfriend nitong si Geoff Eigenmann.

Sabi niya, “I have nothing to do with that. Labas ako sa kung anuman meron doon and I can’t comment on that.”

Hindi kaya itinatago lang nila ni Carla ang kanilang relasyon?

“No, not at all,” diin ni Tom.

Ano naman ang masasabi niya sa positibong impresiyon sa kanya ng ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana?

Aniya, “Thank you so much. And he’s just an awesome guy.

“I met him one time lang doon sa taping namin ng Don’t Lose The Money and he’s a nice guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako yung kinakabahan at ninerbiyos doon, siyempre.

“But he was so nice and he was cordial, he was accommodating, and I’m very, very thankful for that.”

Sa palagay ba ni Tom ay boto sa kanya si Rey para kay Carla?

“Hindi ako yung makaka-comment sa ganun.

“Ang masasabi ko lang, they’re very nice, they’re very kind towards me and I really enjoyed their company.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN