Coleen Garcia says Billy Crawford is the "perfect partner" for her

Coleen Garcia: "When you are in a relationship, walang iwanan dapat, e. It’s all about... kahit yung hindi kayo kasal, may commitment pa rin dapat. ’Tapos, dun dapat ilagay ang sense of commitment and support. Hindi ka dapat nawawala in times like that. ’Pag nakikita mong ang dami nang nagagalit sa kanya, hindi ka dapat magalit din sa kanya."


Ayon kay Coleen Garcia, positibo ang naging resulta sa buhay ng kasintahan niyang si Billy Crawford ng iskandalong kinasangkutan nito noong Setyembre.

Matatandaang na-detain si Billy sa Taguig Police Headquarters dahil sa reklamong disobedience at malicious mischief na nag-ugat sa pagwawala niya sa presinto.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Coleen sa presscon ng pelikulang #Y, ibinahagi nito ang mga pagbabagong naganap kay Billy, pati na sa kanya, dahil sa insidente.

Saad ng Kapamilya actress-TV host, "It was his decision not to go out anymore.

"He’s really into... he’s changed since then—zero alcohol, zero smoking, anything.

"I learned na mas may substance talaga ang mga bonding na kasama mo ang mga kaibigan mo, mga totoong kaibigan mo.

"Yung nasa bahay ka na lang, and I feel na it’s easier to be closer to your friends that way.

"Bumalik kami one time sa isang club, I feel na it’s so empty... it’s so empty."

MORE MATURE. Maging si Billy raw ay nagulat sa katatagan na ipinakita ni Coleen noong panahong may pinagdadaanan ang boyfriend.

Sa kanya raw humugot ng lakas ang TV host-actor, na sa kabila ng pagiging mas bata nito sa kanya, pero siya ang mas nagpakita ng maturity sa buhay.

Reaksiyon ni Coleen dito, "Well, thank you.

"Ganun naman talaga, when you are in a relationship, walang iwanan dapat, e.

"It’s all about... kahit yung hindi kayo kasal, may commitment pa rin dapat.

"’Tapos, dun dapat ilagay ang sense of commitment and support.

"Hindi ka dapat nawawala in times like that.

“’Pag nakikita mong ang dami nang nagagalit sa kanya, hindi ka dapat magalit din sa kanya."

Saad pa ng It’s Showtime co-host, "Dapat, tulungan mo na lang siya, dahil he knows naman na may nagawa siyang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He knows that he failed in some ways, so you don’t keep telling him that.

"All you need is to help him up, yun ang ginagawa naman isa isa’t isa.

"We are each other’s support system, na kahit anong mangyari, partner ko siya sa lahat.

"I will defend him through everything, and I’ll be his side all the time, kasi that’s what partners should do."

Hindi ba mahirap yun para sa kanya, lalo na’t pati siya ay nadawit sa gulo?

Giit ng 24-year-old actress-TV host, "I talked to my mom about this before... nung maaga pa sa stage ng relationship namin.

"Sabi niya, ’Coleen, hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo? Are you sure it’s worth it? Like this, like that?’

"Sabi ko, it’s not easy to be with me also, in the same way na it’s not easy to be with him.

"Kung ano ang pinagdadaanan ko sa kanya, dahil nga sa what’s happening, nadadaanan din niya because of me.

"Pantay-pantay lang naman kami, and whatever problems na dumadaan externally, we have nothing to do with it as a couple.

"Kumbaga, wala naman kaming reason to fight kasi wala naman kaming ginawa sa isa’t isa.

"He’s been a very good boyfriend to me, he’s been so caring partner to me, so why would I’m gonna take it out on him? Yung mga nangyayari sa labas.

"Bakit ko naman siya sisisihin pa, hindi naman niya kasalanan, ’di ba?"

PERFECT PARTNER. Ano ba ang mayroon kay Billy at talagang ipinaglalaban niya ito sa kabila ng maraming kumukontra?

Tugon ni Coleen, "Halos lahat ng hinahanap ko, nahanap ko sa kanya.

"Not that he’s a perfect person, but I think he’s a perfect partner.

"Kahit anong mangyari sa buhay ko, susuportahan talaga niya ako, he’s never gonna pull me down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, very honest siya sa akin, and I feel like I found not just a partner, but also a friend in him.

"Yung kaya kong sabihin lahat ng problema ko, at iintindihin niya talaga lahat."

Hindi ba natatakot si Coleen na sa sobrang pagkaseryoso niya sa relasyon, baka kung mauwi rin sa wala ay masaktan siya nang husto?

Sagot niya, "I guess, in the end, that’s what you ask when the pain is really worth whatever happiness you got from it.

"Right now, I’m growing with it.

“Ever since Bily and I got together, I ’m growing and growing, and I’m so inspired.

"If ever that happens na one day hindi kami magkatuluyan, wherever I will be, it’s because I’m with him and he’s helping through with everything.

"Kung saan man ako makarating by that time, it’s all because of him.

"I’m really inspired and motivated by him to be the best person that I can be."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN