Marian Rivera clarifies "Royal Wedding" tag; confirms wedding reception venue

Marian Rivera on her many bridal showers: “Bilang bride, kailangan happy ka. Kailangan maganda ang mangyayari sa buhay mo. At sa lahat ng taong gustong i-share ang pagmamahal nila, bakit hindi mo yakapin yun para mas maging masaya ka at glowing ka sa araw ng kasal mo?”


Pang-anim na bridal shower ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang ipinagkaloob sa kanya ng Belo Medical Group noong Biyernes, December 5, sa Ariato Events Place, Il Terrazzo, Tomas Morato, Quezon City.

Pero bawat bridal shower daw na ibinibigay sa kanya ay espesyal para kay Marian.

Saad niya, “Ayoko siyang pagkumparahin. Ayokong sabihin na, ‘Ay, mas maganda ang sa kanya!’

“Basta, lahat ng nagbibigay ng bridal shower ko, importante sa akin ang mga tao, kaya ipinagpapasalamat ko yun.

“Sabi ko nga, bilang bride, hindi naman po ako ang nagdedesisyon kung ilang bridal shower ang makukuha ko.

“Kaya yung mga taong nakapaligid sa akin, yung mga nagmamahal sa akin, for example sa Eat Bulaga!, bakit ko naman tatanggihan ang mga ibinibigay nila sa akin?

"Lahat tatanggapin ko po.”

Parang siya talaga ang nag-iisang bride-to-be na maraming bridal showers?

“Why not?” nakangiti niyang reaksiyon.

“Bilang bride, kailangan happy ka.

“Kailangan maganda ang mangyayari sa buhay mo.

"At sa lahat ng taong gustong i-share ang pagmamahal nila, bakit hindi mo yakapin yun para mas maging masaya ka at glowing ka sa araw ng kasal mo?”

Katulad nga sa “Belo Bridal Shower” niya, ang mag-inang Dra. Vicki Belo at Cristalle Henares naman ang nag-organize para sa kanya at sa entertainment press.


DINGDONG DANTES. Noong araw na iyon, ang kanyang fiancé namang si Dingdong Dantes ay nasa Cebu kaugnay ng tungkulin nito bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission.

Dahil dito, ayon kay Marian, lalo siyang napapahanga ng kanyang magiging mister.

“Nasa Cebu siya para sa mga mahal natin sa buhay dun.

"Para sabihin kung ano ang dapat gawin kapag dumating ang bagyo at maiwasan natin ang sakuna.

“Sabi ko nga sa kanya, mas lalo akong humahanga sa kanya.

“Instead na nandito siya at nagpi-prepare ng kasal namin, nasa Cebu pa talaga siya para abisuhan ang mga kababayan natin na mag-ingat, ito ang dapat gawin, para maging aware sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahanda na rin ba siya na pagkatapos ng kasal nila ay mas magiging busy si Dingdong sa advocacies nito?

Tugon ng Kapuso Pimetime Queen, “A, okey lang, ang importante sa amin, at the end of the day, magkasama kaming dalawa.

“Alam namin ang priorities namin at wala namang masama kung tutulong talaga siya sa kapwa niya. Susuportahan ko siya dun.”

Natanong muli si Marian kung sasabak ba talaga sa pulitika si Dingdong.

Sabi niya, “Wala naman siyang nababanggit, ‘di ba?

“Willing talaga siya. Ginagawa niya talaga ito.

“Ito talaga ang passion niya, tumulong talaga.”


“ROYAL WEDDING.” Binigyang-linaw naman ni Marian ang tungkol sa label na “Royal Wedding” ang kanilang kasalan ni Dingdong.

Aniya, “Sa totoo lang po, GMA po ang nagbigay ng mga term na ‘yan.

“Pero sana, huwag na lang din pong gamitin.

“Hindi naman sa ayaw naming gamitin, pero bilang ibinibigay sa amin, siguro mas gusto namin na in a humble way, huwag na lang po kaming tawaging ganun.

“As Dingdong and Marian, masaya na po kami dun.”

Ano naman ang masasabi niya sa sinasabing ang kanilang kasal ang posibleng maging “Wedding of the Decade,” hindi lang “Wedding of the Year”?

Sabi ni Marian, “After na lang ng kasal saka sila magsabi.

“Ang importante, masaya kami and looking forward kami sa araw na yun.”


VENUE RECEPTION. Gaya ng mga naunang napabalita, kinumpirma ni Marian na sa Mall of Asia Arena gaganapin ang reception ng kasal nila ni Dingdong.

Dahil sa malaking venue gaganapin ang reception nila, imbitado ba ang lahat ng nagmamahal sa kanila ni Dingdong?

Sabi niya, “Actually, hindi ko kayang magbigay ng specific kung ilang tao at ano’ng mangyayari.

“Kasi, sa totoo lang, alam ko kung ano ang mangyayari at gusto kong mangyari, ibinigay sa akin ‘yan ni Dong.

“Pero ang dami pa rin niyang surprise sa akin, so looking forward ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buong bayan” ba ang imbitado?

“Hindi naman, pero gusto kasi naming maimbitahan yung mga taong nandiyan at nagmamahal talaga sa amin.

“Kahit gusto ko na lahat talaga nandoon, pero siyempre, hindi naman namin kakayanin.”


BABY PLANS. Palagi namang sinasabi ni Marian na pagkatapos ng kasal, gusto na talaga nila ni Dingdong na magkaroon ng anak.

“Agad-agad, pagka-‘I do,’ yun na yun.

“Sabi ko nga, sana bigyan kami ng Panginoon ng pagkakataon na magkaanak talaga dahil ang anak ay blessing talaga ‘yan.

“Hindi pupuwedeng gusto mo, mangyayari sa ‘yo.

“Kusang ibinibigay sa ‘yo ‘yan ng Panginoon.”


CHRISTMAS PLANS. Kahit na nakatutok si Marian ngayon sa kasal nila ni Dingdong sa December 30, katulad pa rin daw ng mga nakaraang taon ang magiging pagdiriwang nila ng Kapaskuhan.

“Ganoon pa rin. Sa December 24, sa bahay nila, and December 25, sa Cavite pa rin.

“Hindi puwedeng kalimutan ang Pasko.

“Palaging isa yun sa isine-celebrate namin at kailangang ipagdiwang talaga.”

Sa New Year, ang kasama naman daw nila ay ang ama ni Marian dahil nga uuwi ito mula sa Spain para sa kasal nila.

Magla-lie-low ba muna siya sa kanyang career pagkatapos ng kasal?

Saad ni Marian, “Well, hindi ko naman sinasabing lie-low.

“Katulad ng Marian, pagkatapos ng kasal, kung gusto ko talaga, puwedeng mag-Season 3 ng Marian.

“After nitong bridal shower, diretso ako sa GMA ngayon.

“Kasi, kakausapin nila ako. Ilalatag nila yung show na ibibigay nila sa akin for next year.”

Pagkatapos ng kasal, sisimulan na niya ang taping ng kanyang teleserye?

“Depende kung mabubuntis ako!” natawang sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN