Former sexy actor Anton Bernardo arrested for drug possession

Quezon City police Superintendent Wilson de los Santos says that Anton Bernardo, a former sexy star, was arrested by the police last weekend after finding drugs and drug paraphernalia in his possession.


Inaresto nitong nakaraang weekend ang dating sexy actor na si Anton Bernardo pagkatapos mahulihan ng mga pulis ng transparent plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang drug paraphernalias at shabu sa isang checkpoint sa Quezon City.

Ito ay ayon sa report ng balita.net, ngayong araw, December 9, Martes.

Si Anton, o Laurence Mendres sa totoong buhay, edad 39, ay inaresto bandang 5 A.M., sa Main Avenue, corner 7th Avenue, Barangay Socorro, Quezon City, dahil wala umano itong suot na helmet habang nakamotorsiklo.

Ayon kay Police Supt. Wilson de los Santos, hepe ng Quezon City Police District, Police Station 7 sa Cubao, nakuha mula kay Bernardo ang isang plastic pen; isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu substance; isa pang maliit na plastic heat-seated transparent plastic sachet na nagtataglay ng tatlong piraso ng thin strip rolled aluminium foil; dalawang piraso ng used thin rolled aluminium foil na ginamit bilang pipe o tooter; at isang piraso ng used strip aluminium foil na may bakas ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Sinabi ng hepe na nahaharap ang dating aktor sa kasong driving without helmet at possession of illegal drugs.

Nakilala si Anton noong dekada ’90 dahil sa mga ginawa niyang bold films, kabilang na ang Patikim ng Pinya (1996), Nang Mamulat si Eba: Part 2 (1997), Kesong Puti (1999), Anakan Mo Ako (1999), at Sa Paraiso Ni Efren (1999).

Huli siyang napanood sa GMA teleserye na Joaquin Bordado at sa digital film na Torotot (Destierro) na parehong inilabas noong 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN