Daniel Matsunaga wants to be naturalized Filipino

“If I have an opportunity to be naturalized, it’s gonna be amazing for me and I really want that to happen,” says Brazilian-Japanese celebrity Daniel Matsunaga, who plans to live permanently in the Philippines.


Desidido ang Pinoy Big Brother All In winner na si Daniel Matsunaga na manatili sa Pilipinas.

Mula sa pagiging permanent Philippine resident, nais naman daw ngayon ng Brazilian-Japanese model-actor na maging isang naturalized Filipino citizen.

“Sana po pero matagal ang process. Maghihintay po ako,” sabi ni Daniel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle and Roll XV kaninang tanghali, December 9.

Patuloy niya, “It will be a huge blessing. Just the permanent residency is already a huge thing in my life.

“I’m here five years na. Siyempre, ang plano ko is to stay here and to bring my whole family here kung kaya ko.”

Ibig sabihin din ba nito na ang gusto niyang mapangasawa ay isang Pinay?

Sagot ni Daniel, "Yun naman ang purpose. Gusto ko Pinay, pero in God’s time, in God’s perfect timing.

“If I have an opportunity to be naturalized, it’s gonna be amazing for me, and I really want that to happen.”

Naging legal na permanent Philippine resident si Daniel ngayon lamang Disyembre.

Ang ama ni Daniel ay isang Japanese, samantalang ang kanyang ina ay Brazilian.

Sa ngayon, nasa bansa ang pamilya ni Daniel, maliban sa isang kapatid na nag-aaral pa sa Brazil, para sa pagdiriwang ng Pasko.


THANKS TO KRIS. Samantala, nagpapasalamat si Daniel kay Kris Aquino dahil sa pagtulong nito para maging permanent Philippine resident siya.

Ayon sa PBB winner, bukod sa pagpapakilala sa kanya ni Kris sa commissioner ng Bureau of Immigration, nakatulong din ang TV host-actress para mapadali ang proseso ng kanyang hiling.

Pero agad namang nilinaw ni Daniel na hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang ginawang pagtulong sa kanya ni Kris.

Isa lamang daw itong friendly gesture mula sa kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Daniel, “Siguro kasi sobrang mabait siya, hindi lang sa akin kundi sa buong pamilya ko.

"She’s a blessing to our lives. Maybe God used her to work in people’s lives."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN