Congress to honor Jake Cuenca’s win in New York film festival

Hindi man pinalad na manalo bilang Best Drama Supporting Actor sa nakaraang Star Awards for TV, nakatakda namang gawaran ng pagkilala ang aktor na si Jake Cuenca ng Kongreso dahil sa pagkapanalo nito bilang Best Actor sa nakaraang International Film Festival Manhattan.


Matapos ang pagkadismaya sa nakaraang 28th PMPC Star Awards for Television—kung saan bigong maiuwi nito ang Best Drama Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa ABS-CBN drama series na Ikaw Lamang—may magandang balita naman para sa aktor na si Jake Cuenca.

Read: Jake Cuenca "very disappointed" he lost at the Star Awards for TV

Lumabas ngayong araw, December 9, ang isang press release mula sa House of Representatives kung saan sinabi ritong nakatakda nilang gawaran ng parangal si Jake kaugnay sa pagkapanalo nito bilang Best Actor sa nakaraang International Film Festival Manhattan (IFFM) para sa pagganap niya sa pelikulang Mulat.

Ang direktor ng pelikula na si Diane Ventura naman ang nakakuha ng Best Director Global trophy sa naturang festival.

Yup that just happened! To God be the glory this is my first international award and I I just won best actor... :)

A photo posted by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) onOct 10, 2014 at 8:37pm PDT


Ayon sa House Resolution 1681, na ipinanukala ni Rep. Eric Olivarez (1st District, Parañaque City), dapat daw bigyan ng pagpugay ang pagkapanalong ito ng Kapamilya actor sa New York.

Ayon sa mambabatas, "Every year, the festival works to program a diverse film lineup ranging from student filmmakers and first time directors/actors to the industry’s most accomplished talent.

"Jake Cuenca started his career in the entertainment industry at the age of nine making several television and print commercials and endorsing brands for certain known companies.”

Dagdag ni Olivarez, patuloy na hinahasa ni Jake ang kanyang propesyon sa pamamagitan ng pagsailalim sa isang special acting workshop sa New York nitong Oktubre.

Saad pa niya, "It is fitting to say that a congressional commendation and congratulations be extended to Cuenca as our humble and sincere acknowledgement for bringing pride and honor to our country."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN