Megan Young and Mikael Daez ’confirm’ relationship through pictures

Hindi man tuwirang umamin sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez sa kanilang relasyon, tila kumpirmado naman na sila na nga dahil sa mga larawang ibinahagi nila sa kanilang followers sa Instagram.


Matagal nang usap-usapan ang relasyon nina Miss World 2013 Megan Young at Kapuso actor-TV host Mikael Daez.

Bago pa man magwagi si Megan sa Miss World noong nakaraang taon, talk of the town na ang ka-sweet-an ng dalawa ngunit umiiwas ang dalawa na pag-usapan ang real score ng kanilang relasyon.

Pagkatapos magwagi ni Megan sa Miss World, kung saan bahagi ng kanyang reign ay ang pananatili nito sa London, nagpunta pa doon si Mikael ngunit nanatili pa ring tikom ang bibig ng dalawa sa totoong estado nila pagdating sa pag-ibig.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael nitong Nobyembre, umiiwas pa rin itong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Megan.

Read: Mikael Daez remains evasive about real score with Megan Young: "I shall not deny and I shall not admit!"

"MAKE EACH MEMORY AMAZING." December 7, Linggo, naging usap-usapan ang pag-post ni Megan ng larawan nila ni Mikael sa kanyang Instagram account.

Sa naturang larawan, na tila silhouette, kita ang paghahalikan nilang dalawa.

May nakasulat sa naturang larawan na "Make every moment count. Make each memory amazing."

Ang tanging caption nito ay larawan ng isang puso.

❤️

A photo posted by Megan Young (@meganbata) onDec 12, 2014 at 6:20am PST

Pero bago pa ito, noong December 5, Biyernes, nauna nang nag-post si Mikael sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng actress turned beauty queen na magkayakap na ang tanging caption lamang ay, "BW."

BW

A photo posted by Mikael Daez (@mikaeldaez) onDec 12, 2014 at 12:13am PST

Ito na kaya ang senyales ng pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon?

Sa December 14, 2014 ay gaganapin ang Miss World pageant sa London, kung saan nakatakdang i-relinquish ni Megan ang korona sa susunod na tatanghaling Miss World.

Ang kanyang reign kaya bilang Miss World ang naging hadlang ng dalawa upang hindi pa nila tuwirang maamin noon ang tunay na estado ng kanilang pag-iibigan?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN