Aiko Melendez on how long she can stay single: “Hanggang hindi pa nararapat isuko yung Bataan!”

Asked if Aiko Melendez will run again in 2016, the three-term former Quezon City 2nd District councilor, replied, “Puwede, lahat naman ng ano, nothing is impossible, ‘di ba?”


Kabilang ang aktres na si Aiko Melendez sa celebrities na binigyan ng ‘star’ ni Master Showman German Moreno sa kanyang Walk of Fame sa Eastwood City kamakailan.

Kasama ni Aiko ang dalawa niyang anak na sina Andrei at Martina noong buksan ang kanyang pangalan at star.

“Ay, masarap!” bungad ni Aiko noong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang mag-guest sa The Buzz last Sunday, December 7.

“At least, tinatapak-tapakan yung pangalan mo in a good way.

“Masaya, super-masaya ang feeling, kasi lahat ng blessings, halos nitong pa-end ng taon, naging maganda.”

Sa December 16 naman magaganap ang kauna-unahang pagsabak ni Aiko sa concert scene. Aiko Na! ang title ng concert niya sa The Crowd Madison sa Pioneer, Mandaluyong City.

Sabi niya tungkol dito, “For a change lang para they’ll see naman a different side of me.

"And this is like my... time with my friends on my birthday, hopefully, ma-appreciate nila because I’m aiming for world tour. Charize!" natatawa niyang biro.

Magdiriwang ng kanyang 39th birthday si Aiko sa December 16.

Ano ang birthday wish niya?

“Sana matapos ko na yung mga inaayos ko na dapat kong ayusin para hindi na ‘to maging hadlang sa peace of mind ko.”

Meron pa ba?

“Ang dami pa. So, I’m getting there. Sana maayos.”

What about her Christmas wish?

“Ano ba? Marami pa. Basta gusto ko matapos lahat ng tatapusin ko para clean slate ako next year.”

NO LOVELIFE. Wish din ba niyang magkaroon na ng bagong karelasyon?

Sagot ni Aiko, “Yung lovelife ko kasi... ayoko munang anuhin.

“Hindi naman hinahanap ‘yan, e. Darating na lang ‘yan nang kusa sa tamang panahon, sa tamang tao.

“Ayoko nang i-rush ‘yan. Kasi diyan ako palagi nagkakamali.

“So, ngayon, para maiba naman, hayaan mong matagalan siyang maghintay, ‘di ba?”

Ilan taon na bang wala siyang boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m on my sixth year already. Yeah, almost,” pagbibilang niya.

Paano niya natiis na walang lovelife for the past six years?

“Nagsa-shower lang!” tawa niya.

Hanggang kailan niya matitiis na walang boyfriend?

“Hanggang hindi pa nararapat isuko yung Bataan!” birong seryoso pa ni Aiko.

Magpapakasal ba siya ulit just in case dumating ang tamang lalaki para sa kanya?

“A, hindi ko alam. Pero yun kasi ang tama at nasa Bible na kapag may karelasyon ka, isusuko mo yun sa Panginoon.

“But, as of now, I don’t see myself getting married.”

Wala naman problema sa batas kung magpakasal siya ulit?

“Ay, oo. Matagal na akong annulled.”

Matatandaang unang ikinasal sa Catholic church si Aiko sa aktor na si Jomari Yllana, na ama ng panganay niyang si Andrei.

Nang matapos ang kanilang pagsasama ay nagpakasal muli si Aiko sa model-chef na si Martin Jickain, sa pamamagitan ng isang garden wedding. Si Martin ang ama ng bunsong anak ni Aiko na si Martina.

Sabi ni Aiko, “Definitely, hindi na Catholic yung ceremony.

“Yung kay Martin naman, noon Christian siya.

“Pero iba, Orthodox. Ako, Born Again ako.”

2016 PROSPECT. Samantala, kinalimutan na ba niya ang pulitika?

“Hindi naman,” sambit niya.

“Lahat naman kailangang ipagdasal, e.

“So, wala pa ako doon sa panahon, kasi marami pang blessings ang dumarating sa akin.

“Gusto ko naman pagbalik ko ng politika, e, may panahon din ako na hindi ko maiiwan ang showbiz.”

May posibilidad na tumakbo siya sa 2016 elections?

“Puwede, lahat naman ng ano... nothing is impossible ‘di ba?” sagot ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN