Alex Gonzaga excited to reprise Maricel Soriano’s iconic title role Inday Bote

Alex Gonzaga admits to having a brief and "light" relationship with Kean Cipriano, her other leading man in Inday Bote. Is there a chance of a rekindled romance? “Gusto ko yung next kong magiging boyfriend, hopefully, would be the last... ayoko ng patumpik-tumpik,” she declares.


Kumpirmado na si Alex Gonzaga na ang magbibida sa TV remake ng pelikulang Inday Bote na unang ginampanan ni Maricel Soriano noong 1985.

Isa ito sa blockbuster hits ni Maricel kung saan kinilala rin ang husay niya sa pagpapatawa at isa sa nagpatunay ng kanyang bankability bilang isang Diamond Star.

Hindi ba kinakabahan si Alex sa tiyak na pagkukumpara ng acting niya sa pagganap ng batikang aktres.

“Ano na lang more than the pressure.

"And more than kabahan, excited kami. 1985 pa siya, ‘tapos ire-remake after 30 years.

“‘Di ko kasi naiisip pa, ‘di pa nagsi-sink in siguro.

"Pero nung sinabi sa akin ni Sir Deo [Endrinal] yun, parang ‘di ko nga alam, e, “A, okay po, ako po ba ang gagawa?’

“It’s very humbling kasi kung iisipin mo sa lahat, sa dami ng artista dito sa ABS, ikaw ang nabigyan ng pagkakataon.

“‘Tapos yung ire-remake ko pa yung movie ng Diamond Star, Maricel Soriano.

“Ang hirap din nun kasi yung magiging comparison.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Alex sa presscon ng Amazing Praybeyt Benjamin 2 noong Linggo, December 7, sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Balita na unang inalok ang Inday Bote sa magkaparehang Alexa Ilacad at Nash Aguas, ngunit sa halip na ito ang gawin ng dalawa ay napapanood na sila ngayon sa teleseryeng Bagito.

Hindi raw aware tungkol dito si Alex pero hindi naman daw big deal kung hindi man sa kanya ito unang inalok.

“Wala akong reaksiyon diyan kasi kung anuman ang ibibigay sa iyo ng network, yun naman yun.

“Saka wala naman yun kasi hangga’t di umeere, puwede pa rin namang palitan.

“So, wala yun. Walang problema yun.”

NO BOYFRIEND. Kapareha ni Alex sa Inday Bote sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

Para kay Alex, malaking adbantahe na kaibigan niya ang dalawa at ‘di na niya kinailangang mangapa pa sa ugali ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Matteo, nakatrabaho ko na siya before sa Gokada Go!, unang-unang show namin.

“Unang-unang show ko, siya rin, unang-unang show niya.

“Excited ako, kasi sina Matteo and si Kean, friends ko sila.

“So, wala nang ilangan, unlike noon ’pag may bago kang katrabaho, parang medyo magpa-plastic ka muna.

“Kunwari mabait ka, magpi-pretend ka muna na pa-girl-girl ka.

“Kapaan pa kayo ng ugali na baka ma-offend sa jokes mo.

“Since kilalang-kilala ko sila, alam ko na magiging maganda ang lahat.”

Minsang nang na-link at nabalitang naka-MU pa raw ni Alex si Kean, hindi kaya sa pagpapareha nila muli sa Inday Bote ay may manumbalik na nakaraan sa kanila?

Sagot ni Alex, “Yung kay Kean naman was very light and in very short span of time lang, hindi naman siya anything serious.

“Ayokong magsalita and ayoko... baka i-tempt tayo ni Lord.

“Pero, so far, in Jesus’s name, focus talaga ako dun.

“Gusto ko yung next kong magiging boyfriend, hopefully would be the last."

Tiniyak din ni Alex na wala pa siyang boyfriend ngayon.

“Wala talaga kahit gustuhin ko man.

“Basta kung magkaroon man siya na talaga yung the one, ayoko ng patumpik-tumpik.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN