Bianca Umali-Miguel Tanfelix primetime series might clash with KathNiel show

The Bianca Umali-Miguel Tanfelix tandem is being touted to be GMA’s answer to the Kathryn Bernardo-Daniel Padilla loveteam. Are they up to it? Bianca answers, “Well, I don’t see it naman as may competition palagi. As long as I’m doing my best naman po sa work ko, yun po.”


Posibleng ang maging katapat sa primetime slot ang teleseryeng pagtatambalan ng Kapuso teen stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ang Once Upon A Kiss, ay ang bagong teleseryeng pagbibidahan nina Kathry Bernardo at Daniel Padilla sa Kapamilya network sa January 2015, ang Pangako Sa ’Yo.

Masasabing bago pa lamang ang tambalan nina Bianca at Miguel at ikalawang pagkakataon pa lang nilang magbibida sila sa teleserye pagkatapos ng matagumpay na Niño.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca kung handa na ba sila ni Miguel na makipagtapatan sa KathNiel.

Sagot ng 14-year-old actress, “Well, I don’t see it naman as may competition palagi.

“As long as I’m doing my best naman po sa work ko, yun po.”

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang posibleng makatapat ng programa nila ang show nina Kathryn at Daniel?

Ayon kay Bianca, “Of course, may pressure nga po, kasi matagal na rin po silang loveteam at malakas nga po sila.

“Siguro po, mas concentrated po ako sa team-up namin ni Miguel.

“Sa kung ano po ang gagawin namin, sa kung paano po yung experience namin with other people, siguro mas doon po ako focus.”

Nagpapasalamat din daw si Bianca na malaki ang tiwala ng Kapuso network sa kanila ni Miguel.

“Very positive po yun kasi, yun nga po, ang sarap po sa feeling na ganoon kalaki ang expectation sa amin ng GMA.

“And knowing po na yung pagtanggap po sa amin ng mga tao, ganun din po.

“Very positive po yun,” saad niya.


NOT IN A RELATIONSHIP. Inamin ni Bianca na mas lalo silang nagiging malapit ni Miguel ngayong halos lahat ng proyekto nila ay magkasama sila.

Pero pinabigyang-linaw namin kay Bianca ang hindi namamatay na isyu na sila na raw ni Julian Trono, at sina Miguel at Barbie Forteza naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Bianca sa isyu, “Julian and I, we’re really good friends lang naman pong talaga.

“Nagkasama po kami sa Potchi at matagal po ang samahan namin doon.

“And, yun nga po, nagka-work din po kami sa Niño and nag-Maynila kami ni Julian, nag-IBilib po kami.

“Pero ngayon po, I’m not in a relationship with anyone.

“Siguro, I don’t get affected being linked sa kanya.

“Kasi, yun nga po yun, on how people respond to things, e.

“Now po, I’m concentrating on studying, and also work and family.”


KISSING SCENE? Ang bago nilang primetime series ni Miguel ay may titulong Once Upon A Kiss. Ibig bang sabihin nito ay may kissing scene na sila ni Miguel?

“Yun po ang hindi pa rin namin alam,” natawang sagot ni Bianca.

“Nagtatanong po kami, pero wala pa rin pong sumasagot.

“Kasi yun nga po, hindi po nila alam.”

Kung sakali, nakahanda na siya kung sakaling meron nga, kahit na 14 years old pa lamang siya?

“Ready na ba ako? Iniisip ko pa rin kung ready na ba ako.

“Siguro po, bahala na lang po ang network kung ano po ang ipapagawa nila sa akin.

“Pero siguro po, kaya kung puwede kasi dadaan pa rin naman po sa family.”

Kung sa sarili niya, kaya niya?

“Kasi, I’m still torn between, yun nga po, I’m minor and I’m not sure kung puwede ko na siyang gawin.

“Sa isang side naman po na kailangan sa show at kung wala siya, baka wala yung story ng show, kumbaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN