Mar Roxas dismayed by Netizens’ reaction to his “irrelevant” motorcycle incident

Aminado si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na hindi niya talaga mapi-please ang lahat sa kanyang mga ginagawa sa gobyerno. Ang sa kanya lang daw ay ginagawa niya ang kanyang trabaho.


Umalma si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa mga batikos na natamo niya sa social media, matapos maging viral sa Internet ang pagsemplang ng motor na kanyang minamaneho.

Nangyari ang insidente habang nag-iikot ang kalihim ng DILG sa mga apektadong lugar ng bagyong Ruby sa Taft, Eastern Samar, noong Linggo, December 7.

Si Roxas ang inatasan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na mamuno sa paglikas, pagbantay, at pagsasaayos ng mga residente sa Visayas bago pa man dumating ang bagyo at hanggang sa ito’y makaalis na sa bansa.

Sa isang panayam ng ANC kahapon, December 9, na naiulat din sa abs-cbnnews.com, inalmahan ni Roxas ang mga pambabatikos sa kanya sa isang tinatawag niyang “irrelevant” incident.

Read: Mar Roxas’s viral vehicle (misad)ventures

Saad niya, “There were 12 people who died. There was no communication, no power. The cellular service was restored only an hour ago. Fifteen towns were badly hit. And that’s all they can talk about?”

Isa sa mga naging puna ng Netizens ay ang hindi raw niya pagsusuot ng helmet kaya nararapat daw na bigyan siya ng vilation ticket.

Depensa ni Secretary Roxas, “Frankly, it reflects more on people making the comment, it reflects more on people propagating the comments than it does to me. I did my job. I got to ground zero.”

Ipinaliwanag nitong ang sinakyan nilang jeep ng mga kasamahan mula Borongan patungong Dolores ay hindi na makadaan dahil sa mga nagbagsakang mga puno.

Nasa 65-kilometers daw ang distansiya ng Borongan patungong Dolores, kung saan nag-landfall ang bagyong Ruby, kaya raw nagdesisyon na siyang manghiram ng motorsiklo.

Paliwanag pa ni Sec. Roxas, “I immediately made the decision to borrow a motorcycle from the people in the barangay.

"Because a motorcycle can easily be carried… I obtained my objective of getting to Dolores.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw talaga niya mapi-please ang lahat.

Saad pa nito, “If I did not go, they will ask why I did not. Now that I went [here], they ask why I had to go here.”

Kasalukuyan pang nasa Visayas ang DILG Secretary at pinamumunuan ang pagsasaayos ng mga nasalantang lugar ng bagyong Ruby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN