Grace Poe climbs, Jejomar Binay slides in latest Presidential poll

Based on Pulse Asia’s Presidential Preferences Poll last November, Jejomar Binay (right) and Mar Roxas seem to find a tough opponent in Grace Poe (left). Binay remains the top contender, but is down to five percent share of votes. While Poe lands the second spot with an increase of eight percent share of votes.


Pumangalawa na si Senator Grace Poe kay Vice President Jejomar Binay sa may pinakamataas na ranking, base sa latest survey para sa probable presidential candidates sa May 2016 elections.

Base sa datos ng Pulse Asia, nakakuha ng 18 percent of votes si Poe sa may 1,200 respondents ng Presidential Preferences Poll, na inilunsad noong November 14 hanggang November 20.

Tumaas ng 8 percent ang puntos ni Poe kumpara sa nakuha niyang boto sa survey ng Pulse Asia noong September.

Naungusan niya sina Manuel “Mar” Roxas at Miriam Defensor-Santiago, na may ranking na second at third place, respectively, noong September.

Nangunguna pa rin si Binay na nakakuha ng 26 percent share of votes sa latest survey ng Pulse Asia.

Ngunit kapansin-pansing mas mababa ito ng five percent kumpara sa nakuhang score ni Binay noong September.

Ayon sa Pulse Asia report, kasagsagan ng imbestigasyon laban kay Binay, na nauugnay sa mga alegasyong pangungurakot, noong isinagawa ang November poll.

Matatandaang November 18 nang ihayag ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na tumatanggap diumano ng condo units si Binay mula sa real estate developers kapalit ng “tax or permit concessions.”

Kabilang din sa may pinakamataas na puntos ang probable presidential candidates na sina Senator Miriam Defensor-Santiago, Joseph “Erap” Estrada, at Francis “Chiz” Escudero na nakakuha ng 12 percent, 10 percent, at 7 percent, respectively.

VICE PRESIDENTIAL BETS. Pagdating sa poll para sa mga probable vice presidential candidates, runaway winner pa rin si Poe sa nakuha niyang 33 percent share of votes, kung ginanap ang eleksiyon noong panahong isinagawa ang survey.

Karamihan umano sa respondents na pumili kay Poe bilang vice presidential bet ay nagmula sa Metro Manila (41 percent), Mindanao (39 percent), at Class D (33 percent).

Malayo ang lamang ng lady senator kay Escudero na nakakuha ng 20 percent na puntos.

Karamihan naman sa mga respondent na bumoto kay Escudero ay nagmula sa Luzon (29 percent), Visayas (26 percent), at Class E (31 percent).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit parehong tumaas sa naturang poll ng 2 percent at 1 percent sina Poe at Escudero, respectively.

Ang iba pang contenders para sa naturang poll ay sina Alan Peter Cayetano (13 percent), Antonio Trillanes IV (8 percent), Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (8 percent), Franklin “Frank” Drilon (6 percent), Jinggoy Estrada (5 percent), Ramon “Bong Revilla Jr. (3 percent), Camarines Sur Representative Leni Robredo (1 percent), at Valenzuela Mayor Sherwin “Win” Gatchalian (0.3 percent).


POPULAR SENATORIABLES. Samantala, nabawasan ang showbiz personalities sa listahan ng mga patok na kandidato sa pagka-senador, base sa survey.

Ngunit nananatiling top contenders ang mga indibidwal na kahit papaano ay may direct/indirect ties sa showbiz.

Nangunguna pa rin si Senator Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha ng may pinakamataas na score na 54.7.

Ikatlo sa may pinakamataas na puntos si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Francis “Kiko” Pangilinan na nakakuha ng 49.2 percent.

Panglima naman si Senator Ralph Rector na may 45.1 percent share of votes.

Pasok din sa top 14 probable senatoriable candidates si Taguig Representative Lino Cayetano.

Habang ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ay nakakuha ng 11.1 percent share of votes.

Samantala, nawala sa listahan ng probable senatoriables si Batangas Governor Vilma Santos, na isa sa mga nanguna sa September poll ng Pulse Asia.

Marahil ay dahil na rin bukas ang si Governor Vi na wala pa siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno sa May 2016 elections.

Read: Governor Vilma Santos flattered by high score in 2016 elections poll; insists, "As of now, no political plans."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN