Kris Aquino laughs off prediction that Coco Martin will get her pregnant

Kris Aquino on her closeness with Coco Martin: "Kasi, when you’re down, maa-appreciate mo talaga, mabibilang mo... At tama ang sinabi niya na kapag bumaligtad ang bangka, mararamdaman mo kung sino ang nandiyan. So, yung time na na-feel ko na down siya, ganoon siguro, you develop compassion as you mature."


Sa unang pagkakataon ay nagkasama sa isang pelikula sina Kris Aquino at Coco Martin.

Ito ay sa pamamagitan ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Feng Shui 2, kung saan pareho rin silang co-producers.

Sa presscon ng kanilang pelikula kahapon, December 10, tinanong si Kris kung kumusta katrabaho si Coco.

“He’s the best!” bulalas ng 43-year-old TV host-actress.

“Tinext ko yun sa kanya. Sabi ko, ‘Thank you for sharing your brilliance with me.’

“Hindi ko na kailangang dagdagan, sobrang galing niya talaga.

“Hindi yung magaling na nagyayabang dahil ang galing niya talaga. Egoless kasi, because ganoon siya kahusay.”

May naging hula dati na mabubuntis raw siya ni Coco at magkakaroon sila ng anak.

Natatawang reaksiyon dito ni Kris, “Oo, nakakaloka! Four years ago pa ‘yan.

“Ini-insist niya sa akin yun... he’s so weird! Si Robert [pangalan ng manghuhula], Indian siya.

“Nawala na si Robert. Hindi na name, ginuess ulit!”


COCO’S CONTROVERSY. Nagulat naman si Kris sa nalaman niya mula kay Coco na nang magkaroon ng isyu ang pagrampa ng aktor sa Bench fashion show, naging malaking bagay raw kay Coco na si Kris lang ang nag-text sa kanya upang bigyan siya ng suporta.

Kaya sabi ni Kris, “Hindi ko alam na ako lang pala ang nag-text, bongga pala ako dun. I didn’t know.

“I didn’t know that it was only me, thank God talaga.

“At ito lang din ang sasabihin ko, when Noy [President Noynoy Aquino, Kris’s brother] was so down bago mag-SONA…

“And yung character niya [Coco] sa Ikaw Lamang, nag-dilaw.

“It was parang election time, yung kalaban niya noon, naka-pula, at siya naka-dilaw.

“And I know, he’s one of the creative consultants and part of that is his idea.

“So, nag-thank you ako.

“I went out of my way, nag-thank you ako.

“Kasi, when you’re down, maa-appreciate mo talaga, mabibilang mo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At tama ang sinabi niya na kapag bumaligtad ang bangka, mararamdaman mo kung sino ang nandiyan.

“So, yung time na na-feel ko na down siya, ganoon siguro, you develop compassion as you mature.

“Tinext ko lang siya at nakialam na ako at sinabi ko sa kanya, ‘Baka kailangan mo ng attorney. In fairness, yung naging attorney ni James [Yap, Kris’s ex-husband], magaling. You want her number, I’ll give it to you.’

“Then, nag-meet sila, yun lang naman.

“Pero I wanted him to feel that he’s not alone and to think, at that point, hindi pa kami nagsu-shooting. Siya lang ang nagsu-shoot noon.

“Sabi ko, kawawa naman ito. Bench was not guilty. He’s not guilty. Talagang an innocent mistake.

“And I’m glad, lahat nun natapos, and wow, from now on, ngayon alam ko na, magte-text na ako nang mas madalas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN