Coco Martin says acting awards still matter to him

Coco Martin on winning an acting award: “Sabi ko nga, yung business side, sa umpisa lang iyon, e, habang ginagawa mo yung proyekto. Pero during the process, siyempre naglu-look forward ka na sana ’etong pelikulang ito, sana may katuturan. Like, yung gumagawa ako ng indie, hindi ko inaalam kung magkano ang ibabayad sa akin. Ang inaalam ko, kung ano yung mapupuntahan nitong proyekto ito, either manalo ako ng award o manalo ng award yung pelikula. Yun ang malaking fulfill


Mahigit 30 major acting awards na ang natatanggap na parangal ni Coco Martin sa kasalukuyan.

Nagma-matter pa ba ang award sa kanya?

Tugon ng award-winning Kapamilya actor, “Siyempre po, kumbaga yun ang bunga talaga ng pinaghirapan mo.

“Siyempre every time na may bagong proyekto ka, kaya mo ginawa yun…

“Sabi ko nga, yung business side, sa umpisa lang iyon, e, habang ginagawa mo yung proyekto.

“Pero during the process, siyempre naglu-look forward ka na sana ’etong pelikulang ito, sana may katuturan.

“Like, yung gumagawa ako ng indie, hindi ko inaalam kung magkano ang ibabayad sa akin.

“Ang inaalam ko, kung ano yung mapupuntahan nitong proyekto ito, either manalo ako ng award o manalo ng award yung pelikula.

“Yun ang malaking fulfillment para sa akin.”

So, may pressure bang manalo siya ng Best Actor sa MMFF Awards Night para sa pagganap niya sa Feng Shui 2?

Ayon kay Coco, “Hindi, hindi naman. Honestly, ayokong isipin yun.

“Sabi ko nga, every time na nananalo ako, bonus na lang po ito.”

Malaki ang kinita ng unang Feng Shui, may pressure din bang kumita nang malaki ang ginawa nilang Part 2?

Ayon kay Coco, “Siyempre po, hindi maiaalis sa amin iyon.

“Sabi ko nga po talaga kaya ko ni-request na… actually, sinabi ko talaga kay Ate Kris, hindi ako nakapagpigil.

“Sabi ko nga, hindi ko makakalimutan noong mapanood ko yung Feng Shui 1 kung gaano siya kaganda.

“Kaya sabi ko nga kay Ate Kris noong nagkita kami, ‘Ate Kris, gawin naman natin yung Feng Shui 2.’

“And then, kinausap niya si Direk Chito, kaya natupad itong pangarap ko na makagawa ng horror na pelikula, Feng Shui pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN