Solenn Heussaff is now engaged to live-in partner Nico Bolzico

Sa isang photo sa Instagram na ipinost ni Adrien Semblat, boyfriend ni Isabelle Daza, sinabi nitong engaged na si Solenn Heussaff sa kanyang live-in partner na si Nico Bolzico


Engaged na ang Filipino-French actress-TV host na si Solenn Heussaff, 29, sa kanyang Argentinian live-in partner na si Nico Bolzico, 30.

Nag-post ng picture ang boyfriend ni Isabelle Daza na si Adrien Semblat sa kanyang Instagram account (@adriendsemblat), kung saan makikita sina Solenn at Nico na nagto-toast at may caption na “Engaged” ngayong araw, December 11.

Maging si Isabelle ay nag-post sa Instagram ng larawan nilang magkakaibigan kagaya nina Solenn, Anne Curtis, Georgina Wilson, at Carla Humphries, at may caption na “Celebrating love tonight.”

Bago ang nasabing announcement, vocal si Solenn sa pagsasabing dalawang taon na silang nagli-live in ng kanyang boyfriend.

Sa article na lumabas sa PEP noong January 2014, sinabi ng aktres na hinihintay na lamang niya na mag-propose ang kanyang boyfriend.

Sinabi pa ni Solenn sa interview na iyon na nagkakasundo sila ni Nico na hindi masyadong importante sa kanila ang pagpapakasal.

“For me, hindi masyadong importante.

“For me, importante kapag may mga bagay na you buy something together or kapag may anak na kayo. Mas safe yung future ng mga anak.

“Pero kung wala kayong mga anak, for me, kahit living in.

“Married or not married, for me, same lang.”



Related article: Solenn Heussaff admits living in with boyfriend Nico Bolzico


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN