Robin Padilla no longer interested in ’pampogi’ movies: “Kay Daniel na ’yon!”

Ani Robin Padilla, mas focused siya ngayon sa paggawa ng mga pelikulang nagsusulong ng kanyang advocacies, kagaya na lamang ng kanyang 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo na tumatalakay sa buhay ni Andres Bonifacio.


Tapos na raw si Robin Padilla sa paggawa ng mga proyektong “pagpapapogi,” gaya ng mga serye at pelikula, para kahumalingan ng mga babae.

Mas interesado raw siya ngayon sa mga proyektong nagsusulong ng kanyang advocacies, gaya na lamang ng kanyang 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Unang Pangulo.

“Ginawa namin ‘to para mapanood ng mga kabataan,” ani Robin sa press conference ng Talentadong Pinoy 2014, na ang grand finals ay gaganapin na ngayong Sabado, December 13.

Ginanap ang press conference ng reality-based talent show ng TV5 sa Tao Yuan Restaurant, sa Resorts World Manila, Miyerkules, December 10.

Sabi pa ni Robin tungkol sa kanyang MMFF entry, “Gusto namin itong mapanood ng kabataan.

"Ang reward namin dito, ang mamulat ang kabataan sa katotohanan, kasi ligaw na ligaw ang kabataan natin.

"Parang walang kapupuntahan ang bansa natin kapag iminulat natin ang kabataan sa mali.

“Kasi mas lalong humirap ang mga tao, mas lalo tayong humirap.

"Ang yaman-yaman natin… ng Pilipinas. Nararamdaman niyo ba?

"Ang laki-laki ng binabayaran natin sa tax. ’Pag naospital ka ba, binabayaran ng gobyerno?

"Napakadami pong concern ang dapat nating hinaharap sa kabataan. Masyado na silang bulag.”


YOUNGER GENERATION. Nitong mga nakalipas na taon, nag-venture si Robin sa paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa socially-relevant issues, gaya ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak (2014) at 10,000 Hours (2013).

Nang ipaalala kay Robin, 45, na mas nakilala at tinangkilik siya sa kanyang “pogi” portrayals, sabi niya, “Tapos na ‘yon, kay Daniel na lang yon.”

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla, anak ng kapatid ni Robin na si Rommel Padilla.

Dagdag niya, “Ang sabi nga, ang kapangyarihan, may kaakibat ‘yan na responsibilidad.

“Hindi ko priority ’yon. Sa mga bata na lang ’yon.

"Andiyan naman ang mga pamangkin ko, mga anak ko.

“Meron din tayo [obligasyon] para sa bayan. Meron din tayo para sa kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi puwedeng ang gagawin natin, for the sake of money.”

Ngunit aminado si Robin na hindi pa lubusang tanggap ng maraming Pilipino ang mga sobrang seryosong proyekto.

“Ang problema, ang ating mga kababayan mismo, hindi pa mulat sa ganoong klase, nire-reject nga nila.

"Kami na nga ang nag-a-adjust.

“Nagsimula kami sa seryosong-seryoso. Ngayon, naglalagay na kami ng Daniel Padilla para pumasok ang kabataan.”

Nakatakda ring magbida si Robin sa isang series sa TV5 sa susunod na taon, ang Two And A Half Daddies, kung saan makakasama niya ang mga kapatid na sina Rommel Padilla at BB Gandanghari.


ON JASMINE AND DANIEL. Tinangka ring kunin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Robin tungkol sa nangyaring isyu kina Daniel at Jasmine Curtis-Smith, na parehong kasama sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Ito ay may kinalaman sa kumalat na audio recording ni Daniel, kung saan nabanggit nito si Jasmine at ang boyfriend nitong si Sam Concepcion.

Pero ayon kay Robin, “’Di ako dapat ang sumagot niya. Siguro ang mga bata na ‘yan.

“Ang masasabi ko lang, yung mga kabataan na bumabatikos o pabor o kung anuman, panoorin na lang muna ang pelikula, yun ang matutunan dapat natin bilang Pilipino.

“Bago natin gamitin ito [sabay turo sa bibig] kailangan munang gamitin ito [pagturo sa mga mata] kung ano ’yon bago tayo magsalita.

"Kasi minsan, nauuna ito [bibig], wala pa namang nakikita, ang hirap nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN