Kris Aquino moves flight to Japan to attend Dingdong-Marian wedding

Sunud-sunod ang pagni-ninang sa kasal ng TV host-actress na si Kris Aquino, kaya biro niya sa kanyang sarili, hindi na raw siya Queen of All Media kundi "Ninang of All Media" na.


Iniurong daw ni Kris Aquino ang flight nila ng kanyang mga anak para makadalo sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.

Isa si Kris sa principal sponsors nina Marian at Dingdong.

Kuwento ng TV host-actress, “Naku, because of them, talagang aalis kami dapat. So, na-move lahat.

“[December] 31 kaming aalis ng mga kids. I promised the kids kasi a white mountainside holiday.

“Kasi, they never saw snow na totoong snow.

“Pupunta kami ng Japan. Aalis kami ng December 31.

“’Tapos, ninang kasi ako ulit ng January 6, non-showbiz friend naman.”

Pagkatapos ng presscon ng Feng Shui 2 kahapon, December 11, ay dumiretso si Kris sa Smart Araneta Coliseum para ibigay nang personal ang regalo niya kina Bianca Gonzalez at JC Intal dahil hindi siya makakapunta sa mismong wedding party o reception.

Hindi raw kasi sila natuloy ni Boy Abunda na makapunta sa mismong kasal ng dalawa sa Palawan noong December 4.

Aniya, “Tickets are all ready, pero parang kinabahan siya.

“Yung parang may agam-agam ba ang tawag dun? May feeling daw siya na parang ayaw niyang tumuloy.

“So, okay, if you’re feeling that way, let’s not.

“So, ngayon, pupunta ako to give my gift.”

Kuwento pa ni Kris, “Actually, after that, meron pa akong isang wedding, partner ko sa Chowking. December 20.

“Yes, hindi na ako Queen of All Media, Ninang of All Media na!”

DANIEL MATSUNAGA. Malaki naman ang pasasalamat ni Daniel Matsunaga kay Kris dahil naging malaking tulong ito sa pagsasaayos ng permanent residency ng Brazilian-Japanese model-actor sa bansa.

Sabi naman ni Kris, “I love him.

“I connected him lang. I sent him the numbers to call kasi, I think naman, dapat ma-proud tayo.

“Sa dami ng Pinoy na umaalis sa Pilipinas, ito talaga, gustung-gustong maging Pinoy at dadalhin pa ang buong pamilya rito.

“And he speaks highly of our country, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung ganun naman, bakit hindi mo tutulungan para maging maayos lahat ng papeles niya at maging…

“’Di ba, ‘pag ganun pa, dagdag-buwis?

“I love his mom, I love his sister, they’re such a wonderful family. Mabait silang lahat talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN