Martin Nievera talks about good working relationship with ex-wife Pops Fernandez

Martin Nievera says he’s looking forward to his concert with ex-wife Pops Fernandez at the PICC Plenary Hall in Pasay City later tonight, December 8.


Nananatiling mabuting magkaibigan ang ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Ngunit hindi raw sila yung tipong mahilig magpalitan ng regalo kapag may espesyal na okasyon.

Nagkataon kasing magkasamang magpe-perform sa isang concert sina Pops at Martin sa mismong birthday ng Concert Queen ngayong araw, December 12.

“I cannot share with you my gifts because I don’t have a gift yet [for Pops].

“We’ll be together [on her birthday]. I’m glad that she’s working on her birthday too.

“I mean, it will bring her more projects,” saad ni Martin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment editors si Martin sa isang pocket presscon na ginanap sa Jet 7 Bistro kahapon, December 11.

Kuwento pa ni Martin, madalas silang magkasama ni Pops nitong mga nakaraang araw bilang paghahanda sa kanilang concert, ang The Penthouse...Live!, na gaganapin sa PICC Plenary Hall, CCP Complex, Pasay City, mamayang gabi.

“Yes, almost every other day we were rehearsing.

“Right before the storm came [last December 8], during that whole alert that at 6 P.M. everybody go home, we were rehearsing with the band.”

Excited si Martin dahil pagdating sa trabaho ay sanay siyang katambal si Pops.

“Yung show namin ni Pops, may script kami, pero puro guidelines lang.

"So, expect a lot of impromptu. It usually happens mostly when I’m with Pops."

Samantala, natawa si Martin nang pabiro siyang tawaginin na “Lagari King” ng press dahil sa sunud-sunod na singing engagements niya.

Ngunit ayon sa Concert King, biglaan lang ang pagkuha sa kanya bilang special guest sa concert ni Lani Misalucha sa Araneta Coliseum noong December 6.

“The Lani Misalucha guesting was last minute because Jed Madela is sick.

“Since Jed and I have the same waistline, they got me,” pagbibiro pa ni Martin.

Ganunpaman, nilinaw ng veteran singer na hindi isyu sa kanya ang maging second choice sa concert ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, hindi na humingi ng talent fee si Martin para sa kanyang two song numbers sa naturang concert, dahil sadyang malapit niyang kaibigan si Lani.

Sabi pa ni Martin, “I don’t mind being a replacement because—this is just me—I think we’re all equal.

“We can all replace each other. There’s no bigger star than the other.

“Plus Lani is a dear friend and she needed another voice.”

Bukod dito ay mas gusto rin ni Martin na madalas siyang kumanta dahil nagsisilbi itong vocal training para sa kanya.

“Believe it or not, I take care of my voice by using it a lot.

“It’s like a diesel engine. If I don’t use it, you lose it.

“With me, I have to keep using it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN