Dennis Trillo highly commended at the 19th Asian TV Awards

Dennis Trillo being interviewed at the red carpet of the 19th Asian TV Awards held last night, December 11, in Singapore. Dennis received recognition for his performance as Tom Rodriguez’s gay lover in My Husband’s Lover.


Hindi nabalewala ang overnight stay ni Dennis Trillo sa Singapore at ang pagdalo niya sa 19th Asian TV Awards (ATA) kagabi, December 11, sa Marina Bay Sands dahil Highly Commended ang pagganap niya bilang gay lover ni Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover ng GMA 7.

Lumipad kahapon si Dennis sa Singapore para dumalo sa Asian TV Awards at ngayong araw, December 12, siya babalik sa Pilipinas.

Nang makausap si Dennis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Shake, Rattle & Roll XV, sinabi niyang hindi siya umaasang mananalo sa Asian TV Awards.

Nominado si Dennis sa Best Actor in a Leading Role category ng ATA, na napanalunan ng Singaporean actor na si Pierre Png para sa television series na Zero Calling.

Katumbas ng 2nd Best Actor ang commendation na ipinagkaloob kay Dennis sa ATA.

Katulad ni Dennis, highly commended ng nabanggit na award giving body ang Filipino broadcast journalist na si Rico Hizon na nominated sa Best News Presenter or Anchor category para sa Newsday, ang programa ng BBC World News.

Hinirang na Best Infotainment Program ang National Geographic Channel Asia (Fox International Channel Asia-Hong Kong) dahil sa episode na “I Wouldn’t Go In There - Philippines: Haunted Hospital.”

Tungkol sa ghost soldiers na diumano’y nakikita sa isang abandoned hospital sa Clark Airbase ang award-winning television documentary ng National Geographic Channel Asia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN