Nathalie Hart apologizes for Instagram post about rape: "It was all a bad joke."

"I truly am regretful and displeased with what I posted. I understand why I have received hate but I want you to know I am very much against with any form of violence, abuse and rape," says Nathalie Hart in her statement last night, December 11.


Kinondena ng netizens ang aktres na si Nathalie Hart—dating kilala bilang Princess Snell—dahil sa kanyang Instagram post tungkol sa mga biktima ng panggagahasa.

Base sa Instagram post ni Nathalie noong December 8, pinayuhan daw siya ng kanyang ama na i-enjoy na lang ang akto ng panghahalay sakaling malagay sa ganoong sitwasyon ang isang babae.

Sabi ni Nathalie sa kalakip na caption ng ibinahagi niyang larawan ng isang babae: “According to my dad’s lesson: If rape is inevitable, lay back and enjoy it! #ihavethebestadvicer #mydadisthebest.”

Base sa comments box nito ay maraming followers ang bumatikos kay Nathalie, dahil hindi umano katanggap-tanggap ang pananaw ng aktres tungkol sa rape.

Sa kasalukuyan, burado na ang naturang Instagram post at naka-private na rin ang settings ng photo-sharing account niya.

Ngunit nauna nang ibinahagi ni DJ Mo Twister ang Instagram post ni Nathalie sa personal Instagram account ng radio host na naka-base sa Amerika.

Kaya’t dito ay patuloy na bina-bash ng followers ni DJ Mo ang StarStruck alumna.

Okay doll, looks like I have to unfollow you now. @imnathaliehart

A photo posted by Mo Twister (@djmotwister) onDec 12, 2014 at 4:14pm PST

Kagabi, December 11, nagbigay ng pahayag si Nathalie at sinabing pinagsisisihan niya ang pag-post niya ng ganung mensahe sa Instagram.

Paliwanag ni Nathalie, base sa kanyang comment sa Facebook account ng ABS-CBN News Online:

"I truly am regretful and displeased with what I posted.

“I understand why I have received hate but I want you to know I am very much against with any form of violence, abuse and rape.

“The whole post was blown out of proportion. It was taken literally and out of context, I now realise that this is no joking matter.

“Hoping you guys can understand that this was a huge mistake and I posted it without thinking it through.”

Sinubukan din daw ni Nathalie na makipag-ugnayan kay DJ Mo tungkol sa pagkalat ng Instagram post ng aktres, ngunit hindi raw siya sinasagot nito hanggang sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na pahayag ng 22-year-old actress: “It was all a bad joke and it accumulated even more when Dj mo-twister posted it.

"I tried to contact him to fix this privately but I guess he’s enjoying all the attention.

“I’m deeply sorry if I offended or hurt anyone.

“My whole family is hurting with this controversy and I just want it to stop.”

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens hinggil sa "enjoy rape" post ni Nathalie, na isa sa cast members ng pelikulang Shake, Rattle & Roll XV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN