Lotlot de Leon reveals grilling daughter Janine Gutierrez about Elmo Magalona

A proud mother, Lotlot de Leon applauds the accomplishments of her daughter, Janine Gutierrez. She says, "Dahil bilang pinaghirapan ko din ang pagsisimula ng anak ko at ginabayan ko talaga nang bonggang-bongga.”


Aware si Lotlot de Leon na ayaw ng anak niyang si Janine Gutierrez na sumali sa anumang beauty pageant.

Ito ay sa kabila ng marami ang kumukumbinsi kay Janine na sumali sa Binibining Pilipinas o sa Miss World-Philippines dahil sa angkin nitong ganda at talino.

Pahayag ni Lotlot, “Ayaw niya talaga... ayaw niya talaga, e.

“Pinag-usapan na namin ni Janine ‘yan but she’s really not into that.

“Sabi niya, ‘Mom, hindi ko kaya!’

“Siguro more of… siyempre natatakot, hindi naman biro din ang pag-join sa isang malaking pageant na ganyan.

“It holds a lot of responsibilities and preparation also.

“Ayaw ng anak ko, e, so nirerespeto ko yung desisyon niya.

“Basta sa akin, kagaya nitong pag-aartista niya, sabi ko, ‘Mahalin mo ’yang trabaho mo. Hindi puwedeng ’yang mga akting mo, e, palpak, so yun.’

“I think ang pinaka-challenge ni Janine ay sa sarili niya.

“Kasi gusto ding masabi ng bata na may nagsasabi sa kanya na magaling din siyang umarte.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 kahapon, December 11, sa GMA Network Center.


GRILLING JANINE. Maganda ang takbo ng career ni Janine ngayon bilang bida sa More Than Words kapareha ang nobyo nitong si Elmo Magalona.

Ano ang naging reaksiyon ni Lotlot nang una niyang malamang may relasyon na sina Janine at Elmo?

Sabi ng aktres, “Nakita ko na, e! Nakita ko sa ngiti ni Janine, e.

“‘Tapos sabi ko sa kanya, actually yung una, sabi ko, ‘Anak, nililigawan ka?’

“Sabi niya, ‘Mom, we’re just friends!’

“Sabi ko, ‘Huwag mo akong showbiz-in, Janine, ha? Hindi ako showbiz, nanay mo ako.’

“Sabi ko, ‘Nag-date na kayo?’

“‘Tapos ngumiti siya ulit, sabi niya, ‘No, Mama, we went out with friends.’

“Sabi ko, ‘A, you went out with friends. Kayo, you went out na?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi, ‘Eh…’

“Sabi ko, ‘Janine!’

“‘Yes, Mama, we went out na!’

“Kinailangan ng push na ‘Janine!’ para umamin ang anak ko!” at natawa si Lotlot.

COVER GIRL. Isa sa mga itinuturing na prinsesa ng GMA ngayon si Janine, bagay na ikinatutuwa ni Lotlot.

“Nakakatuwa! Dahil bilang pinaghirapan ko din ang pagsisimula ng anak ko at ginabayan ko talaga nang bonggang-bongga!” tawa niya.

“Kaya siyempre, kung anuman yung na-achieve ni Janine o kung anuman ang meron si Janine ngayon, nakakatuwa. Nakaka-proud!

“And ang pinakamaganda dun, I think si Janine kasi, her heart is really in it already.

“Kumbaga, nung una... kasi siguro tinitingnan niya if this is really the career that she wants.”

Ikinuwento rin ni Lotlot na next year ay may tatlong na magazine covers na gagawin si Janine.

“January, February, March, magkakasunod.”

Napag-alaman namin na “pasabog” ang naturang magazine covers.

“Oo, meron siyang pictorial na lalabas na sobrang ganda, bonggang-bongga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN