Mikael Daez reveals being consulted by Andrea Torres about posing for FHM

It has been a productive year for Mikael Daez as an actor and TV host. “Happy ako, naging mas close pa ko rito sa family ko sa showbiz... of course, yung Midnight Express na nag-reformat na kami. Maganda ulit yung reception sa amin, maganda ang rating," he says.


Ilang teleserye na rin ang pinagsamahan nina Mikael Daez at Andrea Torres, katulad ng kanilang panghapong serye ngayon na Ang Lihim ni Annasandra.

Kasabay ng serye nila, ang pagpapaseksi na rin nang tuluyan ni Andrea dahil sa pagpayag na nitong maging cover girl ng FHM Magazine.

Paghanga naman ang reaksiyon ni Mikael sa ginawang pagko-cover girl na ito ng kapareha.

“Whah! The butt! The butt is there!” bulalas niya tungkol sa magazine cover ni Andrea.

Pero dugtong niya, “In fairness naman sa akin, matagal ko nang alam na napakaganda ng puwet ni Andrea.”

Butt person siya?

“Hindi naman, actually, hindi nga.

“Pero I can appreciate a nice butt and Andrea has a nice butt.”

Isa raw si Mikael sa napagsabihan ni Andrea na magko-cover na nga siya sa FHM.

Lahad niya, “Kuwento-kuwento lang.

“‘Tapos, ibinigay ko ang two cents ko, what I thought of it, what I thought she should do.

“I support her naman in everything she does.

“Kung ito ang gusto niya at sa tingin niya makakabuti sa career niya, I’ll fully support her.

“And I think naman, makakabuti sa career niya with so many people who are successful.

“Yung mga kasama nga namin sa Bubble Gang… Sam Pinto, Marian Rivera are very successful.

“So, talagang may makukuha at makukuha at may mailalaki rin sa career.

"I’m happy for her."

Naseseksihan siyang talaga sa ka-loveteam?

“Dati pa naman, dati ko pa nga napapansin,” sagot ni Mikael.



PRODUCTIVE 2014. Hanggang sa isang taon pa raw ang kontrata ni Mikael sa network, pero masaya raw siya sa kung anuman ang naibibigay sa kanya ng GMA.

Masaya raw siya sa kabuuan ng 2014 niya.

“Happy ako, naging mas close pa ko rito sa family ko sa showbiz.

“Sa Bubble Gang, and I was able to do Adarna and Ang Lihim ni Annasandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And of course, yung Ismol Family na blessing in disguise.

“Hindi nga sila sure noong tinanong ako kung okey ako.

“As in parang alanganin sila, ‘Mik, okey ka ba sa role na ‘to? Tatanggapin mo ba ‘to?’

“Parang ganun ang bato sa akin kasi, siyempre, iba yun para sa akin.

“Naramdaman nila na baka mailang ako, that’s very nice.

“And, of course, yung Midnight Express na nag-reformat na kami.

“Maganda ulit yung reception sa amin, maganda ang rating."

Ngayong taon din siya naging image model ng underwear brand na Handford kunsaan may billboard na siya. Handa na siya talagang magpa-seksi?

Sagot niya, “Well, actually sa billboard, technically, sando lang, kasi half-body lang ang kuha.

"So, imagination na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN