KC Concepcion celebrates Christmas without Mamita Elaine Cuneta for the first time

KC Concepcion braces herself against the reality that for the first time, she will be spending Christmas without her beloved Mamita Elaine Cuneta. She consoles herself by thanking those who mourned with her family in their hour of bereavement.


Sa unang pagkakataon ay ipagdiriwang ng pamilya ni KC Concepcion ang Kapaskuhan na wala na ang kanyang Mamita na si Elaine Cuneta.

Matatandaang yumao si Mommy Elaine, ina ng Megastar na si Sharon Cuneta at lola ni KC, noong November 5.

Sabi ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Just the thought of not having her with us makes us sad but we’ll make the most of it, baka mag-abroad kami for the first time [without Mamita].

“Pinakamasayang Pasko pa rin dito sa Pilipinas, pero malungkot na wala ang lola ko with us.”

Bakas pa rin kay KC ang kalungkutan, ngunit nakikitaan din siya ng katapangan at katatagan sa pagpanaw ng kanyang lola.

Nagpasalamat din ang actress-TV host sa lahat ng mga taong nakiramay sa kanilang pamilya.

“Ayoko nang mag-name names kasi I might miss out. Yung mga friends ko dito sa industriya, yung mga bosses ko sa ABS na nandun.

“Nandun lahat ng best friends ng lola ko, yung buong family.

“Sinuportahan ninyo po kami in our time of mourning, so thank you very much.

“Napakalaking bagay pala nun na isa-isa makikita mo yung mga mukha ng mga taong nakikiramay sa inyo.

“Ang laking bagay pala nun, their support. Dun namin nakukuha yung tapang at lakas namin."



WATCHING ELLEN. Sa kabilang banda, masayang nagkuwento ni KC tungkol sa naging karanasan niya nang manood siya nang live ng The Ellen DeGeneres Show nang magpunta siya sa Amerika kamakailan.

“I have Rey Rolle to thank, naging friend ko na rin na taga-Warner Bros.

“Siya yung tumulong talaga sa amin na mag-enjoy talaga dun sa Ellen, siya yung nagpasok sa amin.

“Ang dami raw kasing humihingi sa kanya na sinasabing it’s for me.

"Pero ’pag hinihingian na sila ng ID, hindi nila mabigay kasi ‘di naman talaga ako.

“He asked me, ‘Do you want?’ Sabi ko, ‘Of course, of course.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was fun, ‘tapos si Jennifer Aniston pa yung guest, so, wow, napakaganda nung naging interview.”



GETTING AN AWARD. Kamakailan din ay nanalo si KC bilang Best Supporting Actress as 28th Star Awards for TV para sa pagganap niya sa teleseryeng Ikaw Lamang.

Saad niya, “Maganda siyempre yung feeling na may kabuluhan pala yung ginagawa namin dito, nare-recognize din yung work namin.

“Saka itong role na bida/kontrabida, ito yung role na parang ayokong tanggapin.

"And then, suddenly, ito pa yung na-recognize, so I’m very thankful.

“‘Di nga ako nag-a-assume kaya wala ako dito para tanggapin, nakakainis, pero thank you.”

GROWING UP KAPAMILYA. Malapit nang mapanood si KC sa isang episode ng Give Love on Christmas, kung saan kapareha niya ang rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino.

Sabi niya sa pagtatambal nila ni Paulo, “Masaya, we’re very good on camera also off camera kaya masaya.

“Kakaiba ang role ko dito, iba yung atake, iba yung take ng role ko, iba yung character."

Ayon pa kay KC, naging tahanan na niya ang Kapamilya network kahit nung bata pa lang siya, lalo’t naging parte ng ABS-CBN ang inang si Sharon Cuneta sa loob ng matagal na panahon.

“Of course, dito na rin ako lumaki sa ABS, it’s really nice every time.

“Itong Christmas season, ito yung time ng forgiveness, ito yung time na nagkakasama ulit ang lahat.

“And dun mo mare-realize kung ano ang samahan na mayroon kayo dito sa network bilang magkakapamilya.

“I really see yung mga ibang mga artists at yung mga boss talaga… family, e.

“Dito na yata ako ipinanganak, dito na ako halos ipinanganak sa ABS.

“It’s a big part of our childhood, yung buhay namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN