Kim Chiu discloses she sleeps with her Best Actress trophy

With her feet back on the ground, Kim Chiu sees her Best Actress award as an inspiration "to be good and better" in her profession.


Matapos ang kontrobersiya sa pagkapanalo ni Kim Chiu bilang Best Drama Actress para sa pagganap niya sa teleseryeng Ikaw Lamang sa 28th PMPC Star Awards for TV, mas naging inspired pa raw si Kim Chiu na paghusayin ang pagiging aktres.

“It inspires me more to be better on what I’m doing, like sa acting,” pahayag ni Kim noong December 12, Biyernes, sa launch ng Skinwhite Captivate Council.

Read: Kim Chiu on controversy over her Best Actress award: "Hindi ba ako marunong umarte?"

Sinabi pa ni Kim na pangarap niya talagang magkamit ng acting award.

“I want to be recognized by a lot of people sa acting ko, given na magkaroon ng Best Actress award na hindi fans yung bumoto.

"It’s really a gift for me, a dream come true for me."

Inilahad din ni Kim kung ano ang naramdaman niya noong itinanghal siyang Best Actress.

“Una, I really didn’t know.

"Parang naghu-host-host lang ako nun, e.

“After that, parang hindi ako makatayo, naka-glue yung puwet ko sa upuan.

"Parang really, totoo? Sabi nila, ’Oo, ikaw!’

"So, umakyat ako. I burst into tears talaga.

“Parang when you get that kind of award kasi, it’s really a recognition na, ’Uy, marunong kang umarte, parang ganun.’

“So, nasa tabi siya ng bed ko, tinitingnan ko, ’Oh my gosh, nanalo ako!”

Nasabi rin ni Kim na hindi siya magiging mapili sa proyekto kahit na nanalo na siya ng acting award.

“Not naman, given the chance and opportunity to be given a project by ABS, siyempre it’s really an honor.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng lead roles.

"Hindi lahat nabibigyan ng work kaagad right after every teleserye, so I know.

"I trust my mother network and I trust naman yung buong team na binibigyan ako ng teleserye na kaya ko.

"And I won’t be so picky naman siguro when it comes to that, kasi hindi naman forever bibigyan ka ng project, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You just have to be good and better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN