Mariel Rodriguez surprises husband Robin Padilla with the arrival of his children Camille and Ali

Mariel Rodriguez on husband Robin Padilla’s children: “Nung bago kami ni Robin, nandito lahat ng mga anak niya, ‘tapos ngayon lang uli. Kaya talaga it was such a special moment for him, I really want him to bond with his children. Talagang natutuwa ako because ang talagang nagbibigay ng happiness kay Robin are his children."


Nagpahayag si Mariel Rodriguez ng kasiyahan na present ang dalawang anak ni Robin Padilla na sina Camille at Ali sa presscon ng reality show nila ng mister sa TV5, ang Talentadong Pinoy 2014, para sa Grand Finals Night nito na mapapanood ngayong gabi, December 13.

Si Camille ay anak ni Robin sa dating actress-model na si Leah Orosa, at si Ali naman ay bunso at nag-iisang anak na lalaki ng aktor sa dating asawang si Liezl Sicangco.

Kuwento ni Mariel sa PEP.ph ((Philippine Entertainment Portal) Mariel, “Nakakatuwa, si Camille Rosa, she’s 24, sinurprise niya si Robin.

“Siguro two weeks na naming pinaplano ni Camille, sa akin siya nagsabi na gusto niyang i-surprise ang daddy niya.

“Siya ang bumili ng [plane] ticket niya and, feeling ko, para sa isang father, that’s a lot.

“Si Robin, yung malilit na bagay, big deal sa kanya.

“Nag-ipon ‘yan [Camille] kasi sa States, alam mo naman sa States, dala-dalawa ang trabaho niyan.

“Sabi niya sa akin, ‘Tita Mariel, I got a really good deal, this is the cheapest that I’ve found.’

“Super naman akong na-touch.

“Sinundo ko sa airport, maling airport pa ang pinuntahan ko, bad trip na bad trip ako!

“Kasi dati yung sa NAIA 1 ang bagsak, ngayon sa Terminal 3 na.

“In-explain ko sa kanya, ‘Stay by the letter P.’

“Walang letter P kasi 1, 2, 3, 4, 5. Sabi ko, paano na yung bata, ‘di marunong mag-Tagalog. ‘Di alam ang lugar, so tense na tense ako.

“‘Tapos may ano si Robin nun, Metro Manila Film Festival presscon.

“So ngayon, tumawag sa akin si Robin nung nasa akin na si Camille, bakit daw ’di ako nagti-text.

“Dahil sa sobra kong ngarag, naging parang halata, kasi nagtaka na hindi ako nag-text, ‘O, kumusta, good luck...’ E, lagi akong ganun.

“Sabi ko, nakatulog ako, nagkaroon ako ng hives dito... kinakabahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung kasama ko si Rhoda, yung isa niyang sister, sumundo kami, iniisip ko, ‘Naku, paano na ‘yan, baka makita niya yung car!’

“’Pag nakita niya yung car ni Ate Rhoda, baka magtanong ’yan kung bakit.

“‘Di ko naisip, pagdating ni Robin, nakabihis pala ako, nakapang-alis.

“Sabi niya, “O, saan ka pupunta?’ Sagot ko lang, ‘Naligo lang ako.’

“Nagtanggal ng sapatos, pagpasok ng bahay, naka-on ang aircon, ‘Bakit ang lamig?’

“Nakita niya, nandun si Camille. Wow! Gulat na gulat siya.”

SOURCES OF JOY. Sa patuloy na kuwento ni Mariel, apat na taon na pala ang nakararaan nang huling makasama ni Robin ang kanyang mga anak.

“Nung bago kami ni Robin, nandito lahat ng mga anak niya, ‘tapos ngayon lang uli.

“Kaya talaga it was such a special moment for him, I really want him to bond with his children.

“Talagang natutuwa ako because ang talagang nagbibigay ng happiness kay Robin are his children.

“Camille is here until the 16th, mahal na yung ticket ’pag nagpa-rebook siya.

“Pera lang niya ang ginamit niya ‘tapos sumakto.

“Sayang nga lang wala siya sa premiere night [ng Bonifacio].

“Nanood siya ng Talentadong Pinoy, sabi niya, ‘Dad, you’re such a good host.’

“Umalis siya [Robin]... ‘di ba, galing siya ng Japan? Pag-uwi niya, napansin ko na napagod nga yata ito.

“Paano, ‘di na nag-effort mag-English, Tagalog niya kinakausap ang anak niya, tina-translate ko. Yun ang role ko.

“Alam ko kasi ’pag pagod siya o lalo na ’pag bagong gising siya, ‘di siya nag-i-English.

“Sasabihin niyan, ‘Sandali lang, kagigising ko lang.’

Iba naman daw ang saya nito pagdating kay Ali.

Sabi ni Mariel, “Alam mo, si Robin talaga, ’pag si Ali ang nakita niya, iba.

"Siyempre only son, proud na proud si Robin.

"Lalo’t nakakuha si Ali ng tatlong awards sa school."

Hanggang ngayon naman ay hindi pa nagkakaroon ng sarili nilang anak sina Mariel at Robin dahil na rin sa kagustuhan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN